Bong Go: PDU30 muling babalikan ang Taal eruption evacuees

PINALAGAN ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang ginagawang pananakot ng Maynilad at Manila Water na tataas ang singil sa tubig dahil kinansela na ang ekstensyon ng kontrata ng dalawang water concessionaires.
Ayon sa senador, huwag naman sanang maging dahilan ng Maynilad at Manila Water na magtaas ng water rates dahil lamang sa nagdesisyon ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi na bigyan ng ekstensyon ang kanilang mga kontrata.
Batay sa board resolution ng MWSS noong Disyembre 5, ang ahensiya ng gobyenro na in-charge sa water privatization sa Metro Manila, ni-revoke na nito ang kontrata ng Maynilad at Manila Water hanggang 2037.
Ang 25-year concession agreements ay nilagdaan noong 1997 at ito ay mag-e-expire sa 2022. In-extend ito ng 15 pang taon ng MWSS noong 2009 at nu’ng sumunod na taon ay pinalawig pa ng 15 years para sa kontrata ng Maynilad.
Ngunit nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte nang magkaroon ng water shortage noong Marso na sinundan ng kautusan ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore na nag-aatas sa gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang P7.39 billion na pagkalugi umano ng Manila Water dahil pinigil ng pamahalaan ang water price hikes. Sa kaparehong kaso noong 2016, inataasan din ng PCA ang Philippine government na bayaran ang Maynilad ng P3.4 billion.
Nagbanta ang Pangulo sa mga opisyal ng dalawang kompanya na kakasuhan sila ng economic sabotage kasabay ng pag-uutos na rebisahin ang aniya’y “onerous agreements” ng water concessionaires.
Dahil dito, nagdesisyon ang Maynilad at Manila Water na i-waive ang desisyon ng PCA at hindi na rin itutuloy ang rate increases na nakatakda sana sa Enero ng susunod na taon.
Gayunman, nagdesisyon pa rin ang MWSS batay sa board resolution nito na kanselado na ang kontrata ng dalawang water concessionaires.
Sa pagdinig naman ng Kamara, sinabi ng isang opisyal ng Manila Water na posible pa rin silang magkasa ng water rate hike para mabawi ang kanilang puhunan sa nalalabi pang taon na pagseserbisyo.
Ikinadismaya ito ni Sen. Go na nagsabing dapat ay magpokus ang water concessionaires sa pagtupad sa kanilang obligasyon.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *