Patay ang isang bodyguard ng Mayor ng Aroroy Masbate nang barilin ng kasamahan habang umiihi sa Aroroy, Masbate.
Kinilala ang biktima na si Renato Ragas y Buyo, 42, civil security sa Office of the Mayor, ng Brgy. Puro, Aroroy, Masbate.
Samantala nadakip ang suspek na si Julius Torres y Mingoy, 26, civil security sa Office of the Mayor ng Brgy. Cabangcalan, Aroroy, Masbate.
Ayon sa ulat, 3:55 ng madaling araw ng maganap ang pamamaril sa Brgy. San Agustin, Aroroy, Masbate.
Sakay ang biktima at suspek kasama ang 2 pang kasamahan sa isang Toyota Hilux na patungo sa Brgy. San Agustin galing ng Brgy. Mariposa, Aroroy, Masbate.
Nang sumapit sa nasabing lugar itinabi ng driver ang sasakayn at lumabas ang biktima at suspek upang umihi.
Habang nakatalikod at umiihi ang biktima, pinagbabaril ito ng suspek gamit ang isang armalite rifle.
Sa isinagawang follow up operation ng mga otoridad nadakip ang suspek at nabawi ang baril na ginamit sa pamamaril
Sa report, matagala nang mayroon alitan ang biktima at suspek.
(Mark Obleada)

2 Pulis sugatan sa ambush

SUGATAN ang dalawang pulis makaraan tambangan ng mga elemento ng New People Army (NPA) habang nagpapatrulya sa San Narciso, Quezon kahapon ng umaga.
Nakilala ang dalawang pulis na sina PO1 Milan Kenn Parcon at PO1 Kennedy O. Piamonte na kapwa nakatalaga sa San Narciso Police Station.
Sa report, 8:40 ng umaga nang maganap ang pananambang ng mga rebelde sa Brgy. San Huan San Narciso, Quezon.
Nagpapatrulya ang dalawang pulis sakay sa isang mobile patrol car at pagsapit sa nasabing lugar a pinaulanan ito ng bala ng mga rebelde.
Nagagawa naman makaganti ng putok ang mga otoridad na nagresulta ng pagkakasugat ng mga ito habang mabilis na tumakas ang mga rebelde.
Nagsasagawa ng follow up operation ang mga otoridad upang alaimin kung saan pagamutan dinala ang isa sa mga rebelde na sugatan matapos na kumpirmahin ni Parco na isa sa mga rebelde ang kanyang tinamaan at bitibit ng mga kasamahan sa kanilang pagtakas. (Mark Obleada)

3 komunista patay sa  engkuwentro sa Ilocos

Ilocos Sur – Patay ang tatlong miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya- South Ilocos Sur matapos na makipagbakbakan sa mga miyembro ng militar sa Sta. Lucia, Ilocos Sur.
Nasawi sa naturang engkuwentro ang kalihim ng kilusan na si Ka Goyo; ang deputy secretary na si Ka Unor; at isang Finela Cavero y Mejia aka “Ricky” habang nakatakas naman ang mga iba pa nilang kasamahan.
Bago ang engkuwentro, nakatanggap ang mga miyembro ng 81st IB at ang Military Intelligence Company (MICO) ng isang ulat tungkol sa mga nakita umanong armadong grupo na pagala-gala sa nasabing lugar.
Agad namang rumesponde ang mga tropa ng gobyerno at pagda-ting sa naturang lugar, agad silang pinaputukan ng mga komunista.
Nabatid na gumanti ng putok ang mga miyembro ng militar kaya nagkapalitan ng putok na tumagal ng hanggang sampung minuto.
Nakakuha ang mga miyembro ng militar sa pinangyarihan ng engkuwentro ng dalawang baril at isang lumang granada.

6 miembro ng 4Ps, huli sugal

Cauayan City- Arestado ang anim na katao miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino progmra o 4P’s matapos maaktuhang naglalaro ng Tong its sa Barangay Annafunan, Tumauini, Isabela.
Sa ulat, naaresto ang mga pinaghihinalaan sa pamamagitan ng anti-illegal gambling operation na isinagawa ng mga otoridad na agad na nag resulta sa pagkakadakip ng mga pinaghihinalaan.
Nakumpiska mula sa mga pinaghihinalaan ang dalawang baraha, dalawang daan at limamput pitong pisong bet money, dalawang lamisa at anim na plastik na upuan.
Pawang dinala sa Tumauini Police station ang mga pinaghihinalaan at mga nasamsam na ebidensiya para sa kaukulang dukumentasyon at disposisyon.

Valentines date sa selda:  Magdyowa huli sa ‘damo’

Cauayan City – Sa loob ng bilanguan mag nagdiwang ng araw ng mga puso ang magkasintahang kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos nahulihan ng humigit kumulang isang kilo ng mga pinatuyong dahon ng Marijuana na nagmula Tabuk at tinglayan Kalingga, sa barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek na sina Francisco Feliciano alyas Rasing, 25, tricycle driver, residente ng Zulueta Extension Purok 3, Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya; at Christine Cassandra Dychitan, 22, na residente naman ng Barangay Don Tomas Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nakuha sa mga suspek ang 19 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana, 1 zipped lock plastic sachet na naglalaman ng pinatu-yong dahon ng marijuana, 1 bote ng pinatuyong dahon ng marijuana, P300 piso, 2 cellphone, 1 back pack at 1 timbangan.
Lumalabas na dati nang naaresto si Dychitan matapos namang magpuslit ng marijuana sa loob ng piitan noong 2018.
(Rey Velasco)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *