Board member, pulis nalibing sa landslide

PATAY ang isang Board Member at isang pulis matapos silang matabunan ng gumuhong lupa sa bahaging bulubundukin ng Barangay Dibagat, Kabugao, Apayao.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Butch Mangalao, Board Member ng Apayao Province; at P/Cpl. Rommel Bunay Gumidam, nasa tamang edad, miyembro ng PNP Calanasan Municipal Police Station.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5iFM Cauayan kay P/Lt.Col.Roderick Condag, tagapagsalita ng Apayao Police Provinvial Office, sinabi ni-yang natabunan ang dalawa matapos silang ma-stranded dahil sa patuloy na pagguho ng lupa mula sa kabundukan, sanhi ng walang puknat na pag-uulan dulot ng bagyong Quiel.
Una rito, nagpasya ang da-lawa na pansamantalang mamahinga sa bahay ng isang Padu Pugyao 8: 00 Huwebes ng gabi nang biglang nagkaroon ng pagguho hanggang sa natabunan ang dalawa.
Sinubukang iligtas ng mga mamayan ang dalawa subalit wala nang buhay nang maiahon mula sa putik na dumagan sa kanila.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close