Bilang ng PUI nasa 487 na – DOH

Nadagdagan pa ang bilang ng mga ‘person under investigation’ (PUI) na posibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) bandang 10:00 kahapon ng umaga, nasa kabuuang 487 PUIs ang naitala sa bansa.
Sa nasabing bilang, 154 ang nananatili pa sa ospital habang nasa 330 naman ang na-discharge na.
Pinakamarami namang naitalang PUI sa National Capital Region (NCR) na 85 admitted PUIs at 69 discharged PUIs.
Sumunod dito ang Central Luzon na may 10 admitted PUIs habang 46 naman ang discharged PUIs.
Sinabi ng DOH na nananatili parin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *