BI official pumalag sa ‘demolition job’

PINABULAANAN ni Bureau of Immigration Deputy Commissioner Atty. Aldwin Alegre ang lumabas na ulat patungkol sa ‘di umano’y bumili ito ng sasakyang bullet proof na nagkakahalaga ng P10 milyon.
Ayon kay Alegre, ito’y isang malisyosong paratang sa kadahilanang ang kanyang sasakyang Toyota Fortuner ay isang hulugan na nagsimula pa noong 2017 at hindi ito bullet proof gaya ng napaulat.
Mayroong mga kinuhang bodyguards umano si Alegre dahil sa mga banta sa buhay na kanyang natatanggap dahil hawak nito sa ahensya ang internal affairs o kaso ng ilang kawani ng BI maging ang naging mga hawak nitong kaso noong siya pa ay private lawyer.
Hindi rin niya umano kinunsinti ang kanyang tauhan kamakailan na nasangkot sa isang iligal na transaksyon at agad na sinibak sa kanyang tungkulin.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close