TIMBOG ang isang barangay tanod sa pagtutulak ng iligal na droga sa Pasay City.
Ang nahuling “tulak” na tanod ay si Quirino Magbanua, 59, na nahulihan ng droga Miyerkules ng gabi sa Barangay 45, Pasay City.
Nakuha sa coin purse ni Magbanua ang ibang sachets ng shabu na aabot sa halagang P40,000.
Arestado rin ang 18-anyos na lalaki matapos tumakbo at mahulihan ng isang sachet ng shabu bago ituro ang tanod.
Depensa ng batang suspek, binili niya lamang ang droga sa halagang P200 para sa kanyang kaibigan.
Ayon kay Magbanua, kinakailangan niya ng pera kaya nagbenta siya ng shabu.
Sinabi ni Police Capt. Deni Mari Pedrozo ng Drug Enforcement Unit ng Pasay Police Station, nagsagawa sila ng surveillance sa area dahil sa mga natanggap nilang sumbong ng mga gawaing kriminal sa lugar.
Tatanggalin na ng barangay sa serbisyo si Magbanua sa katapusan ng Enero matapos magpositibo sa drug test nitong buwan. Nagpositibo narin ito sa isa pang drug test noong 2019 pero binigyan ng pagkakataon ng barangay para magbagong buhay.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *