Bgy. officials may bonus kay Digong

INIHAYAG kahapon ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magkakaloob ang Office of the President (OP) ng P3,000 Christmas incentives sa lahat ng barangay officials – kapitan, kagawad, Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons, at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs) – bilang pasasalamat sa kanilang masigasig na paglilingkod sa kani-kanilang komunidad.
“Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating mga barangay officials na walang sawang nagseserbisyo sa kanilang mga komunidad,” ani Go.
“Gumagawa po kami ng paraan ni Pangulong Duterte na mabigyan man lang kayo ng Christmas incentives o anuman po na pwede ninyong magamit ngayong Pasko para po sa mga elected barangay officials,” dagdag niya.
Hindi tumitigil ang senador sa pagtutulak ng mga panukala para mai-promote ang kapakanan ng barangay officials at umaasa siya na magiging malaking tulong ang nasabing insentibo ngayong Kapaskuhan habang hinihintay ang pagpapasa ng Senate Bill (SB) No. 391 o ng “Barangay Services Compensation Act” na kasalukuyan pang tinatalakay sa Senate committee on local government.

  • 276
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    276
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close