CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing itinanggi ng isang barangay kapitan na sangkot ito sa pagpaslang sa dalawang konsehal sa Dominorog, Talakag, Bukidnon.
Ito ay matapos itinuro si Bgy. Kapitan Judith Ocum ng Dominorog ng tatlong testigo na umano’y nakipagsabwatan sa dalawang suspected hired killers para patayin sina Kagawad Mauricio Guinto at Kagawad Lorenzo Pedyaan habang naghihintay sa regular session nila noong Enero 20.
Sa ulat, pinabulaanan ni Ocum na hindi niya ito magagawa dahil kaanak niya mismo si Guinto at wala siyang anumang personal na isyu laban sa mga biktima.
Inihayag ni Ocum na nabigla na lamang ito na kabilang siya sa mga itinuturong suspek sa krimen. Aniya, sila pa ng kanyang katrabaho sa barangay ang nagsumbong sa militar at pulisya kaugnay sa nangyari.
Hindi naman kumbinsido si Talakag Police Station commander Capt. Dominador Orate Jr., dahil sumasalungat umano ang mga pahayag ni Ocum sa naging resulta ng imbestigasyon.
Una nang kinasuhan ni Orate ng “double trouble” si Ocum kasama ang tatlo nitong trabahante at maging suspected hired killers na sina Montano Samron at alyas Teng.

Bagong tulay, magsusulong  sa pag-unlad ng Bulacan

POSIBLENG makamit na ang pag-unlad ng agrikultura sa ba-yan ng San Miguel, Bulacan matapos maitayo ang bagong tulay na Sitio Brown Bridge sa naturang bayan at tinawag nila itong isang regalo ng buhay ng kaligtasan mula sa langit para sa mga mag-aaral ng kalapit na pampublikong eskuwelahan.
Nabatid kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Second District Engineer Ramiro Cruz ipinaliwanag nito na ang noon ang mga mag-aaral ay napipilitan tuma-wid sa Sitio Brown River para lamang makapasok at makapag-aral sa Sibul High School ng nakapaa at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay sa tuwing tumatawid sa ilog lalo na tuwing bumubuhos ang malakas na ulan kapag malakas ang current ng tubig sa ilog.
Ayon kay Cruz sa tuwing masama ang panahon at malakas ang buhos ng ulan ang mga mag-aaral ay nahaharap sa panganib lalo na sa buwan ng Mayo hanggang Nobyembre dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.
Dahil sa pagkakagawa ng naturang tulay nagbigay ng malalim na pagpapahalaga si Bulacan Third District Rep. Lorna Silverio sa DPWH at sinabing sa ngayon makakadaan na ng ligtas ang mga tao sa Sitio Brown.
Ang naturang proyekto ng tulay na pinaglaanan ng P50-million pondo na matatagpuan sa 85 meter-long river channel ng Bulacan sa bayan ng San Miguel patungo sa Dona Remedios Trinidad.
Ayon pa kay Cruz ang 105.80 lineal meter bridge na nag-uugnay sa Barangay Kalawakan ng Dona Remedios Trinidad na may walong (8) sitios ng Durumungan, Pantingan, Tubigan, Ginebra, Betis, Talamsi I, Talamsi II at Conacon patungo sa bayan ng San Miguel at iba pang lugar papunta sa Manila.
Sinabi pa ni Cruz, na ang naturang tulay magiging malaking epekto sa pag-unlad ng ekonomiya sa naturang komunidad. (Boy Celario)

3 ex-drug suspects balik-selda

KORONADAL CITY – Balik kulungan ang tatlong bagong laya na preso matapos mahuli sa anti-illegal drugs operation ng mga otoridad sa dalawang lugar sa South Cotabato.
Naaresto ang dalawa ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency R-12 at PNP sa bayan ng Tampakan.
Ayon kay PDEA- R12 director Naravy Duquiatan, ang dalawa sa mga nahuli ay bunga ng operasyon ng kanilang hanay.
Kinilala ang mga ito na sina Ryan Roy “Tanonoy” Aserios, 27, ng Bgy. Maltana, Tampakan; at Earl Mark “Macmac” Aserios, 40.
Nakuha sa dalawa ang 5 pakete ng shabu, at hiwalay na P6,000 halaga ng shabu.
Sa hiwalay pang operasyon kasama ang pulisya, naaresto naman si Darwin Loplop, 35, na sinasabing parokyano ng mga unang nahuli.
Naaresto na dati ang tatlo dahil din sa iligal na droga, pero nakalaya matapos makinabang sa plea bargain agreement ng korte at kasalukyang nasa probation.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *