PATAY ang isang Barangay Chairman na umano’y aktibong miyembro ng New People Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Milagros, Masbate.
Nakilala ang napatay na si Wolfert Dalanon alyas “Ompong”, barangay chairman ng Bgy San Antonio, Milagros.
Ayon sa ulat, 6:00 ng umaga nang maka engkwentro ng pinagsanib na elemento ng 2nd Infantry Battalion at 2nd Masbate Provincial Mobile Force Company ang di batid na bilang ng mga rebelde na kabilang sa Komiteng Seksyon sa Platoon 1 (KSPN 1), Larangan 2, Komiteng Probinsya 4 of Bicol Regional Party Committee (BRPC) sa Bgy. San Antonio.
Nagsagawa ng operation ang mga militar at pulisya matapos makatangap ng report na may mga armadong grupo na nag-iikot sa nasa-bing barangay,
Habang nagpapatrulya, nasabat ng tropa ang mga rebelde at nagsimula ang engkwentro na tumagal ng mahigit 1 oras, nagresulta ng pagkasawi ni Dalamon at pagtakas ng mga rebelde sa iba’t ibang direksyon.
Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle, M653 Rifle, carbine at laptop na pinaniniwalaan naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon.

Policewoman ‘tinodas’ ang  mister na retired Police Kernel  dahil sa mga kabit

BASE sa inihaing circumstancial evidence na pinagtibay ng salaysay ng ina, kamag-anak at kasambahay ni retired Lt Col. Danny Alingog, kasong murder ang isinampa laban sa kanyang misis na si PSSgt Marilou Alingog na nakatalaga sa Solana Police Station sa Solana, Cagayan.
Mismo ang ina ni Danny ang nagsampa ng kaso laban sa manugang na si Marilou.
Sa pagsisiyasat, bago naganap ang pagbaril sa retiradong opisyal ng riding-in-tandem sa Echague, Isabela, mino-monitor ito ng kanyang misis.
Ang numero ng cellphone na huling nakitang tumawag kay Alingog ay ang kanyang misis.
Sinabi aniya ng ina ng opisyal na habang pinaglalamayan ang kanyang anak, nagkasagutan sila ng manugang at sinabi umano nito na kahit namatay na ang kanyang asawa, isusunod niya ang kabit nito.
Sinimulan ang masusing pag-imbestiga ng pulisya nang ma-kipag-koordinasyon ang dalawang kapatid ng biktima at ng kanilang labandera na sumusuporta sa akusasyon ng ina ng biktima.
Ang nasabing kaso, ang piskalya ang nagpasya na matibay ang mga inihaing ebidensiya laban kay SSgt. Alingog, na sinasabing sumuko matapos ipalabas ng korte ang arrest warrant laban sa kanya nitong Oktubre. (Rey Velasco)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close