Raket sa Philhealth sa Palompon General Hospital (Leyte)

Mga reporter ng bayan : I-text sa 09293852536

Maging reporter ng inyong lugar. I-text lang ang inyong mga nakikitang iligal, katiwalian at krimen para makarating sa mga awtoridad. Ang inyong celfone number at seguridad ay aming pangangalagaan.
– Editor

HELLO MGA KA-TXT BRIGADE!!! MARAMING SALAMAT MAYOR ISKO MORENO AT MAALIWALAS N A ANG DIVISORIA. HILING NAMIN KAY MAYOR: SANA LAGYAN NG TIMBANGANG BAYAN ANG DIVISORIA. ALAM NI MAYOR ISKO MORENO NA MARAMING MANDARAYA ANG MGA TINDERA DIYAN. SANA MATULDUKAN NA ANG MGA MANDARAYA SA TIMBANGAN. AT SANA MAKARATING DIN KAY MAYOR ISKO MORENO ANG NANGYARI SA SAKOP NI CHAIRWOMAN VIOLETA DECENA NG BGY. 274 Z 25 NG MAYNILA. ANG KALYE NG ANG ANGALO AT SEVILLA AY GINAWANG DIVISORIA. PATI MGA ESKINITA MASIKIP NA NGA, LALONG PINASIKIP NG MARAMING TINDAHAN. MALAKI SIGURO ANG LAGAY SA BGY OFFICIALS KAYA PINAYAGAN NYA MAGTINDA. – CONCERNED CITIZEN

Panloloko ng MIRAJ agency

May irereklamo po ako. Yung agency na MIRAJ, ako po ay nabiktima. Nag-aplay po ako online sa kanila. Ang sabi po sakin ay walang kaltas at P15k ang sahod bilang family driver. Ako po ay nagtiwala at galing pa ako ng Infanta, Quezon at pumunta ako sa Guadalupe, sa address na binigay nilang opisina. Pagdating ko sa agency ay hindi pala opisina kundi bahay na apartment pala. At niloko ako na P12K ang sahod at may 20% na kaltas. Hindi na ako makapagreklamo kasi wala na akong pera at pamilya. Kaya napilitan nalang akong pumayag. Marami na kaming biktima na galing probinsya at pag dumating ay lolokohin lang po. Sana makarating po ito sa mga otoridad lalo sa Labor. – Driver

Hinaing ng manggagawa ng  Greentorch sa Muntinlupa City

Makarating sana sa Department of Labor and Employment ang hinaing ko at mga kasama ko na nagtatrabaho sa Greentorch Merchandize na nasa Katihan street, Barangay Poblacion, Muntinlupa City. Wala po sa minimum ang aming sweldo, papasok kami ng 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi. Grabe ang Intsik na may-ari, halos wala kaming SSS at Philheatlh P350.00 lang kada araw ang sahod namin at 12 oras ang trabaho. Nasa Metro Manila kami pero ayaw ibigay ng may-ari na Intsik ang tamang pasahod. – Greentorch worker

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *