BIZ UPDATES
Ni BKC

ISA si Kapuso hunk actor and Owe My Love star Benjamin Alves sa mga aktibong nagbabahagi ng kaalaman ukol sa lumalaganap ngayong sakit na COVID-19.
Sa kanyang Instagram post, nag-share si Benjamin ng ilan sa mga epektibong paraan kung paano maiiwasang madapuan ng naturang sakit.
“Hinihikayat po ng Department of Health ang lahat ng pasyente na i-disclose po ang lahat ng impormasyon sa ating healthworkers. Ang tapat na sagot na ibibigay po ninyo ay makakapagligtas din po sa inyong buhay, sa healthworkers, sa ibang frontliners, at sa iba pang pasyente na kailangan po ng tulong natin,” ani Benjamin. Hinangaan naman ng mga netizen ang Kapuso stars na patuloy na nagpapaabot ng kani-kanilang tulong sa mga apektado ng krisis ngayon kahit sa simpleng paraan lamang.
Pabiro namang komento ng isang netizen sa post ni Benjamin, “Thank you for boosting our confidence. Kung ganito ba naman ang makikita ko sa area namin lagi, ewan ko na lang kung sa virus o sayo ako magpa-panic.”
Samantala, muling magbabalik-telebisyon si Benjamin kasama si Lovi Poe sa pagbibidahan nilang romance-comedy serye na Owe My Love ng GMA Public Affairs.

***

Rocco Nacino YouTuber na rin
Mukhang hindi nauubusan ng gagawin si Kapuso actor Rocco Nacino dahil bukod sa pagiging Navy reservist, registered nurse, at aktor, vlogger na rin siya dahil opisyal na rin siyang may YouTube channel.
“Makikita n’yo ang buhay ko on and off camera, kung ano ginagawa ko sa free time ko. May mga bagay na pina-practice ako, something new, dito sa vlog na ‘to,” sabi ni Rocco sa kanyang first YouTube video.
Regalo rin daw sa kanyang mga followers ang pagbubukas ng YouTube channel ni Rocco na agad namang sinundan ng mga content request mula sa kanyang subscribers.
Comment ng netizen na si Francis Caballero, “Sana mag-full Mandarin ka next time kasi super cute mo sa video mo dati kahit lagi ka namang cute.”
Habang stop muna sa taping ng Descendants of the Sun, busy si Rocco sa pag-aabot ng tulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine bilang isang navy reservist.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *