Bea pasok sa Asian Rising Stars

Heart pinagdarasal ng fans na mabuntis na ulit

SA kabila ng pagtanggi  na preggy si Heart  Evangelista eh may mga fans naman ng aktres na patuloy na nagdarasal na mabuntis na nga ito.
Sa posted pics nilang magkapatid na si Camille eh twinning daw ang peg ng dalawa.
Biglang na-reminisce sa alaala ng faney na kung nabuhay lang daw sana ang twins ni Heart eh may ganung flashback na magandang damitan nung maliliit pa sila ng kanyang Ate Camille na may anak na rin sa dating hunk actor na si Andrew Wolf.
Never naman daw titigil ang faney sa pagpe-pray na mabuntis na ulit na ang kanilang idol na si Heart.

***
ISA lang si Bea Alonzo sa mga artista na napili at nakapasok sa Asian Rising Stars.
Ito ay dahil sa ambag at hit na mga project ni Bea.
This December nga eh awardee si Bea sa Asian Rising Stars in International Film Festival and Awards Macau or IFFAM.
“I’am beyond excited to represent the Philippines in Macau,” post ni Bea sa kanyang social media.
Umi-international na nga raw ang peg nito at sinuwerte nang mawalan ng love life.

***
JP Erfelo naghahanda na sa pagbuo ng sariling pamilya
NASA tamang edad na nga raw ang apo ni Madam Auring na si JP Erfelo kaya nasa posisyon na ito na tama na ang gagawin nitong desisyon na lumagay na sa tahimik.
Ulilang lubos na nga si JP at ang nanay nito eh anak ni Madam Auring kaya lola niya ang fortune teller.
Sinubok na rin nito mag-showbiz pero sa tindi ng competition eh nag-lie low muna ito pero hindi naman ito nagsasara ng door.
Dahil ulila na sa magulang eh nasadlak na ito na makapag-work agad.
Kaya bata pa lang eh batak na si JP sa trabaho.
At ngayon nga na nasa tamang edad na ito eh naghahanda na
nga raw ito na bumuo ng sariling pamilya soon.
Napag-uusapan at nakatakda na nga ang kasal ni JP sa babaeng minamahal.
Sayang nga lang daw at ‘di na masasaksihan ni Madam Auring ang kasal dahil nakaratay na sa banig ng karamdaman ang dating sikat na fortune teller.
Well, well, well…’Yun na!
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close