Bayan sa Capiz isinailalim sa ‘state of alert’ dahil sa coronavirus

ROXAS CITY – Nagdeklara ang alkalde ng Pontevedra, Capiz na isailalim sa ‘state of alert’ ang kanilang bayan dahil sa novel-coronavirus (n-cov).
Sa panayam  kay  Mayor Esteban Evan Contreras, inamin niya na may dalawang babae itong naging pasyente sa kanyang klinika na galing sa Hong Kong na nakaranas ng pag-ubo, lagnat at pananakit ng kalamnan.
Inabisuhan ng alkalde ang dalawa na obserbahan ang sarili at sakaling lumala ang nararamdaman ay agad pumunta sa ospital para mas masuri sila ng mabuti.
Isang linggo pa lamang ang nakakaraan mula nang dumating ang nasabing mga babae sa Lungsod ng Roxas para magbakasyon.
Nabatid na tinatawagan na diumano ang dalawa ng kanilang employer na bumalik sa Hong Kong, ngunit hindi pa sila makabalik dahil sa masamang karamdaman.
Dahil dito ay nagpaalala si Mayor Contreras sa kanyang constituents na palakasin ang kanilang immune system, kumain ng masustansiyang mga pagkain at prutas, at uminom ng maraming tubig.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

2 thoughts on “Bayan sa Capiz isinailalim sa ‘state of alert’ dahil sa coronavirus”

  1. I was recommended this web site through my cousin. I’m not sure whether or not this post is written through him as nobody else realize such particular about my problem. You’re amazing! Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *