Nagkokontrahang pahayag nina VP Leni at PDEA Dir. Aquino

ISINUSULONG ngayon ni Senador Bong “Pogi” Revilla ang panukalang tsaptsapin ang P100,000 na benepisyo para sa centenarian.
Say ni Pogi sa kanyang panukala: Isama narin sa centenarian benefits ang senior citizens na may edad 80 at 90-anyos.
Mula sa P100K, ang unang P25K ay agad ibigay sa mga umabot ng 80-anyos, another P25K pagdating nito ng edad 90, at ang P50K ay pagsapit nito ng centenarian age of 100 years.
Giit ni Pogi, nabibilang nalang sa mga daliri ang mga senior na umaabot ng 100-anyos. Kaya mas mabuti na babaan pa ang edad na makatatanggap ng benepisyo para sa sentenaryo.
Poging pogi si Sen. Bong sa panukala niyang ito. Siempre pabor na pabor dito ang ating mga lolo’t lola o ating mga tatay na matitikas pa sa edad 80s.
Tulad lamang ng tatay ko, 79-anyos na siya ngayon. Pero gabi-gabi pa tumatagay, nakakaubos pa ng kalahating bote ng Gin bilog. Ang nanay ko naman na 79 din ay malakas parin makipagtsismisan.
Kaya kapag naging batas ang panukalang ito ni Pogi, tiyak mamahalin siya ng seniors na makatatanggap ng P25K sa edad 80 at another P25K pagsapit ng 90. Never mind the another P50K, dahil suerte nalang kung umabot pa ng 100 ang seniors ngayon dahil sa matataba na pagkain at masamang bisyo nung kanilang kaastigan.
Sabi naman ng netizens, bago ito isulong ni Senador Pogi, ayusin muna nilang mga mambabatas ang distribution ng P500 a month para sa seniors. Napakarami parin kasing 60-anyos pataas ang hindi nakatatanggap ng social pension. Tapos inaabot ng taon bago ma-release ang naturang pension. Mismo!
Pero suma tutal ay aprub na aprub sa atin ang pa-pogi na ito ni Sen. Revilla. Sana ay maisabatas agad ito. Wish ko lang!!!

Drug test sa lahat ng  government officials

Isinusulong sa Kamara ang mandatory drug testing sa lahat ng opisyal ng gobierno, mula sa mga mambabatas hanggang sa barangay.
Ito’y upang ipakita sa publiko kung gaano kaseryoso ang gobierno sa kampanya laban sa mga iligal na droga.
Say ni Congressman Pidi Barzaga ng Cavite, magpa-file siya ng resolution “requesting all congressmen to submit themselves to random drug testing.”
Hihikayatin din anya si DILG Secretary Eduardo Año na atasan ang lahat ng governors, mayors, barangay captains at iba pang local officials na magpa-drug test para patunayan sa publiko na malinis sa paggamit ng iligal na droga ang mga ito.
“Kasi minsan ang sinasabi ng ating mga kababayan, ‘Yung aming barangay captain, kung minsan ‘yung mayor, ay drug deoendent. ‘And in order to eliminate this suspicison coming from the public, kinakailangan talagang ipakita ng mga nanunungkulan na sila ay hindi gumagamit ng droga.”
Malaking check ang sinabing ito ni Barzaga. ‘Pag naipatupad ito, tiyak maraming mabubuking na mga adik na opisyal ng gobierno. Mismo!
ICAD co-chairperson VP Leni Robredo i-adopt n’yo nga ang mungkahing ito ni Cong. Barzaga at nang magkaalaman na kung sino ang mga dapat itokhang!

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close