P130-M pekeng kalakal timbog sa BOC-CIIS

Pormal na inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang Basic Course on Cargo Security Manangement sa 210 bagong talagang Customs Guards bilang mandato upang palakasin ang seguridad sa hangganan ng bansa sa pamamagitan ng masugid na pagsisikap ng Enforcement and Security Service (ESS) at Interim Training and Development Division (ITDD) sa bakuran ng BOC sa Port of Manila, Gate 3, Port Area, Manila.
Sa kabuuan nasa 210 Customs Guards ang sumailalim ng pagsasanay at hinati ito sa tatlong magkakahiwalay na batches, kung saan ang naturang basic course ay binubuo ng lectures on cargo handling and security upang mabigyan ang mga magsasanay ng kaalaman sa physical training upang mabago ang kompetensiya sa aktong pagsasanay sa kanilang duties and responsibilities.
Aabot sa 27 araw na programang pagsasanay na ang layunin ay management and technical skills sa mga bagong talagang Customs Guard, kung saan ang unang batch ay binubuo ng 70 Customs Guards na pormal na magsisimula ang basic course sa ilalim ng superbisyon mula sa ESS at ITDD at ang nalalabing dalawang batches ay nakatakdang sumailalim sa katulad ng kurso sa nalalapit na buwan.
Ang Kagawaran ay may layuning palawakin ang seguridad sa hangganan ng bansa sa pamamagitan ng mga tauhang may mataas na antas ng kaalaman sa kasanayang taglay.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *