DAHIL nakaamba ang matinding panganib ng sakit na COVID-19 sa mundo, tinanong namin si Barbie Forteza kung paano siya naapektuhan nito?
“Hindi po muna kami nagte-taping. Mula din po noon, hindi ako umaalis ng bahay. Napakalaking impact ng COVID-19. Lahat tigil. Lahat cancelled.”
And since nagte-taping sila ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday bago mag-lockdown, ano ang precautionary measures ni Barbie para pangalagaan ang sarili?
“Isa sa pinakaimportante ay ang pagsuot ng face mask. Palaging maghugas ng kamay at kahit artista ako, bawas muna sa beso at pa-picture. Kaway-kaway na lang muna.”
Alam ni Barbie na napakalaki ng epekto ng COVID-19 scare sa telebisyon at pelikula.
Nakiisa rin ang Kapuso Primetime Princess sa celebrities na nananawagan sa lahat na sumunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa gitna ng banta ng COVID-19.
Nakiusap ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday lead star sa mga kabataang tulad niya na kung maaari ay manatili na lamang sa kani-kanilang bahay…
“Kung feeling ninyo mga bagets kayo at hindi din naman kayo mahahawa dahil malakas ang resistensiya n’yo at mabilis naman kayong gagaling; ang sa akin, paano yung mga magulang ninyo na nasa bahay na mas matanda na kumpara sa inyo at mas mahina ang immune system?
“Puwede kang maging carrier ng virus without showing any symptoms. “So huwag ninyo na pong intayin na magpakita pa ng symptoms bago kayo mag-stay sa bahay. As soon as possible, keep yourselves safe, keep yourselves healthy,” dagdag pa ni Barbie.
Pansamantala munang ang hit 2017 primetime series na Kambal, Karibal ang napapanood sa timeslot ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Bago itigil ang taping ng mga show ng GMA, mabibigat na eksena sa Anak Ni Waray vs Anak ni Biday ang napanood ng publiko.
Kuwento ni Barbie…
“Meron ng mga away at konting sakitan pero inalagaan naman kami ng direktor namin sa lahat ng eksena kaya nagawa namin nang maayos at safe.”
May naging obserbasyon si Barbie sa co-star niyang si Kate Valdez.
“Si Kate, mabilis siyang maapektuhan kahit sa maliliit na bagay. Which is good kasi bilang artista, kailangan talaga yun. Maging sensitive. Siguro ‘wag lang personalin lahat ng bagay. Mahilig siyang magkuwento at humingi ng advice.”
May Team Ginalyn (Barbie) at Team Caitlyn (Kate) na ang fans at netizens.
“Masaya dahil ibig sabihin hooked na sila sa istorya namin at naiintindihan nila ang conflict nung characters. Versus na talaga ha! ha! ha!
May mga natutunan din si Barbie sa iba pa nilang co-stars tulad nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.
“Ang natutunan ko po kay Ms. Snooky ay ang bawasan ang pag-o-overthink dahil makakaapekto sa akin yun pag nag-eeksena. Kay Ms. D naman po, kung papaano laruin yung mga dialogue para kahit same thought, hindi paulit ulit yung sinasabi.
Ano ang lesson na gusto nilang iparating sa viewers?
“Kahit anong mangyari, wag mong kakalimutan kung sino ang unang nagmahal sa iyo at hindi ka iniwan.”

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *