Naitala ngayon ang kauna-unahang namatay na abogado dito sa bansa dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang naturang abogado na bar topnotcher at isang huwes na suspected Person Under Investigation (PUI) ng COVID-19, namatay noon pang Sabado ng gabi.
Ayon sa Supreme Court (SC) ang biktima kinilalang si Calamba Regional Trial Court (RTC) Judge Virgilio “Dave” Gesmundo.
First placer si Gesmundo sa 1977 bar examinations na may gradong 91.8 percent average at nagtapos sa Ateneo De Manila University College of Law.
Bago pumasok sa Hudikatura naging Dean si Gesmundo sa Arellano Law School.
Tubong San Pablo, Laguna at distant relative ni retired SC Justice Arturo Brion at incumbent SC Justice Alexander Gesmundo ang pumanaw na huwes.
Dinala ang biktima sa isang pagamutan sa Parañaque noong March 15 at inilipat sa Adventist hospital noong Sabado.
Agad naman daw isinailalim sa cremation ang bangkay ng biktima noong Linggo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *