NAGKAMPEON si Miami’s Bam Abedayo sa All-Star Skills challenge.
Manipis na dinaig ni Abedayo si Indiana’s Domantas Sabonis sa final matchup ng All-Star big men, at niyakap ni dating Heat star Dwayne Wade matapos tanggapin ang trophy.
Sinibak ni Abedayo ang 2018 champion Spencer Dinwiddie at Raptors star Pascal Siakam sa first two rounds ng obstacle course.
Unang tinalo ni Sabonis ang defending champion Jayson Tatum at Milwaukee’s Khris Midleton.
Ang 22-anyos Abedayo sa kalagitnaan ng season, ay nag average ng 15.8 points,10.4 rebounds at 4.9 assists in 54 games para sa Heat.

***

ABL: Justin Brownlee maglalaro sa Alab Pilipinas

NAKATAKDANG bumalik si Justin Brownlee sa Alab Pilipinas upang palakasin ang kampanya sa ASEAN Basketball League.
Kinumpirma ni team owner Charlie Dy ang development sa ABS CBN News kahapon.
“Yes, finally,” Wika ni Dy.
Ito ang ikalawang pagkakataon ni Brownlee sa Alab Pilipinas, matapos tulungan sila na masungkit ang championship noong 2018 kasama si Renaldo Balkman at Ray Parks Jr.
Papalitan ni Brownlee si Prince Williams para sa Alab Pilipinas, at ma-kakasama sina Sam Deguara at Nick King na kanilang import para sa tournament.
Si Brownlee ay kagaga-ling lang sa kampeonato sa Barangay Ginebra sa 2019 PBA Governors’ Cup, nang kanyang bitbitin ang Gin Kings sa titulo.
Ang Alab Pilipinas ay kasalukuyang 9-5 win-loss record, sa likuran ng Mono Vampire (10-4)

***

Gilas, pokus na sa road game vs Indonesia

NAKATUTUK na ang buong atensyon ng Gilas Pilipinas sa koponan ng Indonesia na makakaharap nila sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers.
Matatandaang ipinagpaliban ng FIBA ang home game ng Pilipinas kontra sa Thailand na nakatakda sana sa Pebrero 20 dahil sa pangamba ukol sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Gilas interim head coach Mark Dickel, nabigyan daw ang national team ng karagdagang oras para mapag-aralan nang husto ang Indonesia at hindi nahahati ang kanilang atensyon.
“Obviously, we don’t have the first game now but just preparing for the second game. We get a couple of more days to prepare and go to Indonesia and figure a way to work it out,” wika ni Dickel.
Bagama’t inamin ni Dickel na dismayado ito na pinostpone ang pagtutuos nila ng Thailand, naiintindihan niya raw ang pasya lalo pa’t prayoridad ang kaligtasan ng mga manlalaro.
Obviously, disappointing because it would have been awesome to play a home game here in front of our fans. But it is what it is. We can’t control that. Just get ready to go over to Indonesia and find a way to play a good game and win,” anang coach.
Sinabi pa ng coach na hindi nila mamaliitin ang Indonesian squad, na minamando ngayon ng dating coach ng Gilas na si Rajko Toroman.
“They are well-coached, really well-structured, and really disciplined. For us, to a certain extent, it makes it a little bit easier for us to focus on what they are going to do,” ani Dickel.
Ipinagmalaki rin ni Dickel na malaki na ang naging improvemsent ng Pinoy players sa loob ng mahigit isang linggo nilang pagsasanay.

***

NCAA Jrs stars Rhayyan Amsali, Justine Sanchez, Tony Ynot mananatili sa San Beda

MANANATILING mabunga ang hinaharap ng San Beda matapos piliin ng 3 Red Cubs na manatili sa Mendiola, Rhyyan Amsali, Justin Sanches, at Tony Ynot ay nangako sa Red Lion at maging kabahagi ng team para sa NCAA Season 96 basketball wars nga-yon taon.
“We are very happy with their decision to join the Red Lions team. They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” Wika ni team manager Jude Roque.
Ang 3 ay bahagi ng San Beda na nag kampeon sa juniors sa nakalipas na season.
Si Amsali ay may average na 16.6 points, 9.0 rebounds,4.1 assists at 1.6 steals sa nakaraang season at naging Finals MVP.
Ang 6-foot-3 swingman ay miyembro ng Gilas Youth team na sumabak sa 2019 Fiba Under-19 World Cup.
Samantala, si Sanches ay pomuste ng 13.5 points,8.2 rebounds, at 1.1 assists nakaraang season.
Ang 6-foot-5 forward ay isa sa pinaka- hardworking young guys sa Red Cubs crew na nagdala sa kanya para maging bahagi ng Mythical Team.
Habang si Ynot 5-foot-11 guard ay nakilala sa kanyang defensive skills laban kay Jalen Green sa 2019 NBTC National Finals, nag average siya ng 12.1 points,4.8 rebounds, 2.3 assists at 1.5 steals nakaraang season para sa Red Cubs.
Ang pagpasok ng 3 ay mas kailangan ng Red Cubs, na nakatoun na mabawi ang championship matapos mabigo sa Letran nakaraang taon.

***

Kai Sotto naka-meet and greet si Raptors star Pascal Siakam

MASAYANG ibinahagi ng tinaguriang basketball prodigy na si Kai Sotto ang kanyang larawan kasama ang NBA All-Star Player mula Toronto Raptors na si Pascal Siakam.
Nasa Amerika si Sotto bilang bahagi ng Basketball Without Borders (BWB) Global Camp sa Chicago.
Sa kanyang Twitter post, tila inspired ang 18-year old basketball player nang makaharap ang player ng NBA defending champion team.
Napasama pa si Kai sa larawang ipinost ng Toronto Raptors sa kanilang Instagram account.
Dating player ng Ateneo de Manila Blue Eagles si Sotto, na ngayon ay kasama ng 63 iba pa na sumali sa BWB camp.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *