Mga pasaway na driver ng biyaheng Tayuman, Tondo

Gud am po. Report ko lang po simula nung Sept. ay nagbalikan na naman yung mga tulak sa Bgy. 199 zone 18 sa HERMOSA st., TONDO. Sa pamumuno ni alyas BAROK, alyas BEMBEM na kalalaya lang nung Sept at si FERDIE. Wala po yatang BADAK ang BGY ni Chairman OBET MIRANDA. BASTUSAN na yung ginagawa ng mga nagbebenta na mga kabataan na sila Kevin, Scooby, Bebe, Bambam, Koykoy at mga anak nung Ferdie. Sana mahuli na itong mga SALOT na ito na kapag SINITA mo na wag dito, sila pa mga matatapang. Mahuli lang po yung pasimuno mawawala droga dito. Tambayan nila sa pagitan ng riles at ilog, boundary ng MAYNILA -CALOOCAN. Sana araw arawin nila kasi kapag alis ng pulis balikan sila uli i-surveillance po sana ng kapulisan itong Bgy 199 zone 18 sa may Hermosa st., sakop ng PS-7 (MPD) na walang ak-syon! – Concerned citizen

Kotong na pulis sa vendor  sa Pasay City

GRABE NAMAN MANGOTONG. ITONG PULIS NA “RODEL” SA MGA VENDOR DITO SA PASAY CITY. KAHIT MATANDA NA MAY LINGGOHAN PARING SINISINGIL. P600 KADA VENDOR ANG SINGIL NYA SA PASAY VENDORS. PAG HINDI KA NAG BIGAY , HUHULIHIN NYA YUNG PANINDA MO. PARANG AWA NYO NA MAYORA EMI CALIXTO-RUBIANO, YAN PO ANG SISIRA SA MGA MAGANDANG GINAWA NG CALIXTO SA CITY HALL NG PASAY. – PASAY VENDOR

Usad pagong na trapiko sa harap ng Sta. Cruz Church sa Maynila

USAD PAGONG NA TRAFFIC SA HARAPAN MISMO NG STA. CRUZ CHURCH MLA. DAHIL SA GINAWANG PARKING SPACE ANG HARAPAN NG MCDO AT BDO. MAY PULIS NAMAN BAKIT DI NILA MAIAYOS ANG GANITONG PAGPAPARADA NG MGA SASAKYAN? KAYA KAILANGAN ANG AKSYON NI YORME ISKO PARA MATURUAN NG LEKSYON ANG MGA PASAWAY NA MOTORISTA. – MATA NG LANSANGAN

 

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close