Raket sa Philhealth sa Palompon General Hospital (Leyte)

Gudpm po, TXT BRIGADE. Paki-bulabog naman ang precint station ng Don Bosco dito samin sa Tondo, Manila, kc hindi na katulad ng dati ang knlng gngwa na kpg nahuli e knukulong. Ngaun pera2 na ang laban. Kaya malaya na uli mkpgtnda na parang kendi nlng ang shabu dto sa lugar namin, dto sa Garcia st. Sana hulihin nla c alyas Tisoy na dto smen ngttnda ng shabu, lumalau s lugar nya jn s tigbasan pra iwas makilala. Kaya ngaun kilala na po pwde pki pasadahan ang lugar nla at wag tgilan hanggat hndi nla nahu2li c Tisoy na yan. – Concerned citizen

Pagputok ng bulkan likas na  galaw ng kalikasan

Huwag labis mabahala sa pagputok ng Bulkan Taal. Unawain ng lahat na ang pagsabog ay likas na galaw ng kalikasan at pinatatatag nito ang pundasyon ng kalupaan. Ang mga binubugang lahar nito ay nagpapataba ng lupa, ang abo naman ay naihahalo sa paggawa ng semento. Ang mga bulkan ay nagbababala bago pa man sumabog, kaya laging may sapat na oras para makapaghanda sa paglikas. Tiyak ang kaligtasan kapag tinunghayan ang mga warnings. Ang mga engot lamang at mga pasaway ang napapahamak. Ang mga pagputok ng bulkan ay pakikipag-usap sa atin ng kalikasan, dapak silang pakinggan, ingatan at mahalin.- Reymart Santos

Nagtatanim ng ebidensiya ang operatives ng PDEA

Dapat ay pagsuutin ng body camera ang mga PDEA na nakadestino sa Sauyo, Q.C. dahil mga tarandado ang mga ito. Nagpa-planted ng shabu sa mga hinuhuli nila. Gaya ng manghuli sila sa Geronimo st. sa tapat ng simbahan sa Novaliches noong Dec.11, tatlo sa mga hinuli nila na naroroon sa lugar nang manghuli sila ay nilagyan nila ng shabu. Yung 2 ay bibili palang, wala pa silang hawak pero dinampot din sila. Isa ang anak ko sa 2 na yon. Yung 1 na nandoon sa lugar ay hinuli din nila pero di raw gumagamit yon, ayon sa kwento nya sa anak ko. Pina-drug test sila at positive sila. Nagtataka yong isa di naman sya nagsa-shabu. Naalala nya pinainom sya ng tubig. – Concerned citizen

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *