Bagyong Tisoy: Signal No. 3 sa maraming lugar | Headline News

Bagyong Tisoy: Signal No. 3 sa maraming lugar

Bahagyang bumagal ang Typhoon “Tisoy” habang tinatahak ang Northern Samar.
Sa update ng PAGASA bandang 2:00 kahapon ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na huling namataan ang bagyo sa 140 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay parin nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas parin ang ilang lugar sa Tropical Cyclone Wind Signals.
Signal no. 3:
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– southern portion ng Camarines Norte (Daet, San Vicenter, San Lorenzon Ruiz, Basud, Mercedes)
– Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
– Romblon
– southern portion ng Quezon (Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
– Northern Samar
– northern portion ng Eastern Samar (Can-avid, Dolores, Maslog, Oras, Arteche, Jipapad, San Policarpio)
– northern portion ng Samar (Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, San Jorge, Pagsanghan, Tarangnan, Sta. Margarita, Gandara, Matuguinao, Calbayog, Tagapul-an, Almagro, Sto. Niño)
Signal no. 2:
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Pampanga
– Nueva Ecija
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Cavite
– Batangas
– Laguna
– Rizal
– nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro
– Marinduque
– nalalabing bahagi ng Camarines Norte
– Calamian Islands
– southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo)
– nalalabing parte ng Eastern Samar
– nalalabing parte ng Samar
– Biliran
– Aklan
– Capiz
– northern portion ng Antique (Valderrama, Bugasong, Laua-an, Barbaza, Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad)
– northern portion ng Iloilo (Janiuay, Badiangan, Pototan, Barotac Nuevo, Anilao, Dingle, Dueñas, Lambunao, Calinog, Passi, San Enrique, Banate, Barotac Viejo, San Rafael. Bingawan, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles)
– northern portion ng Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias at Camotes Islands)
– northern portion ng Leyte (Baybay, Mahaplag, Abuyog, Javier, Macarthur, Mayorga, La Paz, Dulag, Albuera, Barauen, Julita, Tolosa, Tanauan, Tabontabon, Dagami, Pastrana, Palo, Sta. Fe, Tacloban, Alangalang, Jaro, Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga, Carigara, Capoocan, Leyte, Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Kananga, Matag-ob, Pa-lompon, Isabel, Merida, Ormoc)
Signal no. 1:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapique, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin).
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Quirino
– nalalabing bahagi ng Aurora
– nalalabing bahagi ng Zambales
– nalalabing bahagi ng Antique
– nalalabing bahagi ng Iloilo
– Guimaras
– nalalabing bahagi ng Negros Occidental
– Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela, at Danao City)
– nalalabing bahagi ng Leyte
– Southern Leyte
– Dinagat Islands at Siargao Island
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Catanduanes, Albay o Sorsogon bandang Lunes ng gabi o Martes ng madaling-araw.
Huwebes naman ng umaga ay tuluyan na itong makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Halos 11K pamilya sa Bicol inilikas dahil kay ‘Tisoy’
LEGAZPI CITY – Pumalo na sa halos 11,000 pamilya o 43,362 inidibidwal ang inilikas dahil sa bagyong Tisoy.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi mula sa Office of Civil Defense (OCD) Bicol, mula ang mga ito sa 84 barangays ng apat na lalawigan sa Bicol.
Kabilang sa isinailalim sa evacuation ang siyam na barangay sa Vinzons, Jose Panganiban, Basud at Mercedes sa Camarines Norte; Sagñay, Cabusao, Minalabac, Caramoan, Garchitorena, Siruma, Tigaon, Tinambac at Buhi sa Camarines Sur; Daraga sa Albay at isa pang barangay sa Masbate.
Samantala, inaasahang madaragdagan ang naturang bilang sa mga susunod na oras dahil pinalilikas na rin mula bukas ng umaga ang iba pang nananatili sa risk areas sa ibang bayan at lalawigan sa Bicol.
Nananatili ang mga ito sa 76 na evacuation centers habang ang ilan ay nakikipisan naman sa mga pribadong bahay na ligtas sa mga banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, lahar at iba pang posibleng sakuna.
Patuloy naman ang abiso ng ahensya na makinig sa anunsyo ng pre-emptive evacuation lalo na’t kaligtasan lamang ng mga ito ang isinasaalang-alang.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close