Bagong nakamamatay na sakit, sumulpot sa China

INIULAT na may isa na namang nakamamatay na sakit na kung tawagin ‘Hantavirus’ sa lalawigang ng Yunnan, China sa gitna ng pananalasa ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19) kamakalawa.
Sa ulat, nabatid na isang lalaki sa nasabing lugar ang ang namatay sa loob ng sinasakyang bus patungong Shandong kung saan may sakay na 32 iba pang pasahero.
Nagpositibo ang lalaki sa Hantavirus na siyang ikinamatay nito na nag-alarma sa mga awtoridad upang isailalim sa Hantavirus test ang 32 iba pang kasama nitong pasahero.
Ang orthohantavirus o Hantavirus, pamilya ng mga virus na nagmumula sa mga ihi at dumi ng mga daga.
Maaring makuha ang nasabing sakit kung madikitan ang tao ng ihi, dumi o ng mismong infected na daga.
Klinasipika ng America ang virus bilang “New World” hantaviruses at nagdudulot ng Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS).
Ang isa pang uri ng hantaviruses, ang “Old World” hantaviruses na naghasik sa mga lugar ng Europe at Asia at nagdudulot ng Hemorrhagic Fever with Renal Syndrome (HFRS).
Unang lumitaw ang hantavirus noong 1950 sa kasagsagan ng American-Korean sa Korea partikular sa Hantan river kung saan nagmula ang mga daga.
Hindi ito itinuring na pandemic dahil sa mababang mortality rate nito na nasa 36 porsyento lamang.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *