TODAS ang isa sa mga pinuno ng New People’s Army (NPA) sa Katimugang Mindanao sa ikinasang operasyon ng militar at pulisya sa Makilala, North Cotabato.
Kinilala ni Brigadier General Adonis Bajao, Commander ng 1002nd Infantry Brigade ng Eastern Mindanao Command, ang napatay na si Juanita Gore Tacadao, kilala sa mga alyas na “Isay” at “Maring”.
Ayon kay Bajao, si Tacadao ay tumatayong Logistics at Finance Officer ng tinaguriang local terrorist group na nag-o-operate sa lugar.
Magsisilbi lang sana ng warrant of arrest ang mga tropa ng militar at pulisya laban kay Tacadao na nahaharap sa mga kasong murder at robbery.
Nakita sa pinangyarihan ng engkwentro ang matataas na kalibre ng baril, landmine, blasting cap at detonating cord.
Natunton din ng mga otoridad ang hideout ni alyas Ma-ring sa follow up operations ng mga sundalo’t pulis kungsaan nasamsam ang iba pang armas, bala, granada, food supplies at subersibong dokumento. –
-Mula sa RMN News

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *