Babae tumalon sa riles ng LRT

DAHIL sa pagtalon ng isang babae sa riles ay naantala ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa area ng Maynila kahapon ng umaga.

Noong una ay napaulat na nahilo ang babae at nahulog sa riles habang papalapit ang northbound train sa Doroteo Jose Station, ngunit malaunan ay nagpalabas ng pormal na pahayag ang Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, at nilinaw na tumalon ang babae at hindi nahulog sa riles.

Sa statement ng LRMC, 6:45 ng umaga nang tumalon ang 32-anyos na babaeng pasahero sa riles sa Doroteo Jose station habang paparating  ang northbound tra:in.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng LRMC upang masagip ang pasahero at maialis sa riles.

Kaagad dinala ang babae sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa initial medical observation at kinalauna’y inilipat sa Medical Center Manila para sa full medical examination.

Pinuri naman ng LRMC ang train operator na naging alisto sa paghila ng emergency break kaya’t hindi nasagasaan ang babae.

Dahil sa pangyayari ay  natigil ang biyahe ng mga tren ng LRT-1 ng may 24 minuto. Naibalik lamang ang normal na operasyon 7:09 ng umaga.

 

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *