PAGLIKHA NG MDDA SUPORTADO NI GO

INIHAYAG ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na paka-tutukan at bigyang prayoridad ang pagbibigay ng tulong pinansiyal at mga kagamitan sa mga pampubliko at pribadong health workers na lumalaban ngayon upang masugpo ang Corona virus disease o Covid-19 sa bansa.
“Wala naman pong dapat piliin dito dahil laban natin itong lahat. Maging publiko o maging pribado ay in line of duty,” pahayag ni Go.
“Para sa akin, dapat kasama sila (private health workers), lalong lalo na po ‘yung mga nagbuwis ng buhay sa labang ito. Para sa akin, parang giyera narin po itong ating hinaharap sa ngayon, lalong lalo na po iyong mga frontliners natin na talagang nagsasakripisyo sa ngayon,”  paliwanag ni Go nang tanungin hinggil sa nilagdaang Republic Act No. 11469 or  “Bayanihan to Heal as One Act” ni Pangulong Duterte.
Kabilang sa mandato ng RA 11469 ay bigyan ng  kompensasyon na P100,000 ang mga public at private health workers na mahahawahan ng COVID-19 infection habang gumaganap sa kanilang trabaho.
Ang mga mamamatay naman sa COVID-19 ay entitled naman sa kompensasyon na P1 million.
Bukod sa hazard pay, bibigyan din sila ng karagdagang special risk allowance at ang lahat ng  medical expenses ng health personnel na nagkaroon ng COVID-19 ay sasagutin ng PhilHealth.
Umapela ang senador sa publiko na sundin ang utos at payo ng mga awtoridad para narin sa kapakanan at kaligtasan ng mga health workers, lalo ng buong sambayanan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *