BACOLOD CITY – Patay ang isang nag-AWOL (Absence Without Leave) na pulis sa pamamaril sa Bacolod City.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Eric Alcosaba na dating naka-assign sa Bacolod Police Station 7.
Ayon sa commander ng Police Station 4 na si Maj. Renante Jomocan, dalawang taon nang AWOL sa serbisyo si Alcosaba matapos hindi ito nag-report sa kanyang bagong assignment sa Mindanao.
Batay sa hawak na impormasyon ng pulisya, nadawit sa iligal na droga ang napatay na pulis kaya ito inilipat ng assignment.
Pasado 3:00 kahapon nang pagbabarilin ito sa labas ng isang fastfood chain sa Burgos St., Barangay Villamonte.
Ayon sa station commander, nasa loob pa ng kanyang pick-up vehicle ang biktima nang pagbabarilin ito ng mga nasakay din ng isang pribadong sasak-yan.
Nakatakbo pa ito palabas ng kanyang sasakyan bago bawian ng buhay.
Sa ulat, nagtamo ng 18 tama ng baril ang biktima.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon ng pulisya sa krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *