Autopsy report ng NBI susi ng imbestigasyon ng Kamara para mabigyan ng hustisya pagkamatay ni Jeanelyn

MAGIGING susi ang autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng OFW na si Jeanelyn Villavende para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito sa kamay ng kanyang mga employer sa Kuwait.
Ayon kay TUCP President at Party-list Representative Committee Chairman on Overseas Foreign Workers Affairs Raymond Mendoza, ipa-tatawag nila ngayon sa isang special meeting ng komite ang NBI na nag-iimbestiga sa kaso ni Villavende.
Mas mahalaga aniya ang ulat ng NBI sa paghahanap ng hustiya na hindi lamang nakadepende sa autopsy report ng Kuwaiti government.
Si Mendoza ang naghain ng House Resolution 641 para imbestigahan ang kaso ni Jeanelyn in aid of legislation para mas mapahusay pa ang kasalukuyang polisiya ng pamahalaan sa pangangalaga at pagbibigay ng tulong lalo na sa mga distressed OFWs.
Sa re-autopsy ng NBI, natuklasang nawawala ang maraming internal organs ni Villavende, nagtamo ito ng maraming sugat sa katawan at nagkaroon ng pilas ang ari na tanda ng pagkakaroon ng sexual abuse.
Sa autopsy report ng Kuwait, si Villavende ay namatay sa puso at baga at nag-collapse. Patay na ito nang dalhin sa ospital.
Ang mga labi ng biktima ay nakaburol sa kanilang bayan sa Norala, South Cotabato.
Ang mag-asawang employer ni Villavende ay nakakulong na sa Kuwait.

  • 26
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    26
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *