SERYOSO ang Department of Interior and Local Government ((DILG) na ipaaresto ang sinumang lalabag sa enhanced community quarantine.
Dahil ito sa mataas na bilang ng mga lumalabag sa curfew at hoee quarantine sa kabila ng mas striktong pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Paliwanag ni Sec. Eduardo Año, ang bagong batas na Bayanihan Law, may nakapaloob na penalty clause kung saan maaring makulong ng dalawang buwan ang sinumang lalabag at may multa na aabot sa 1 milyon.
Bukod dito, maari ring arestuhin ang vioaltor gamit ang Art. 151 Revised Penal Code.
Dagdag pa ng DILG, mas pararamihin ang mga mobile units na iikot upang mapigilan ang mga pasaway na tambay sa labas ng bahay.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *