PAGLOBO NG TEENAGE PREGNANCY SA BANSA

ISANG matinding leksiyon ang hatid ng sunod-sunod na malalakas na lindol na tumama sa Mindanao noong nakaraang buwan.
Maraming aftershocks ang naramdaman na lalong nagdulot ng takot sa mga residente.
May mga na-trap habang ang iba’y nagsilikas sa mga lugar nila.
Mayroong ayaw nang pumasok sa bahay sa pangambang lumindol muli.
Kung hindi ako nagkakamali, hindi bababa sa 20 katao ang nasawi sa mga mapaminsalang pagyanig.
May mga bumigay na malalaking gusali at bahay. Maliban dito, may mga sasakyang nabagsakan at naguhuan.
Nagkabitak-bitak at halos hindi na madaanan ang mga kalsada.
Tunay na nagpapaalala ang mga nararanasang paglindol sa mga pinuno ng mga bayan at lungsod na magsagawa ng earthquake drills at maayos na preparasyon.
Dapat magkaroon ng pag-iinspeksiyon sa mga lumang gusali bago maging huli ang lahat.
Tandaan na marami ang makakaligtas sa tama ng malakas na lindol kung may sapat na kahandaan ang mga residente.
Kaya may mga namamatay ay dahil sa pagpapanik sa oras ng lindol.
Kaya ipinakikita rito ang kahalagahan ng earthquake drill sa mamamayan.
Madalas ay nagpapaalala rin ang Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa atin ukol sa posibleng pagtama ng lindol o ng “The Big One” sa Kalakhang Maynila anumang oras.
Para itong magnanakaw na bigla na lang na sasalakay nang hindi inaasahan.
Malawak ang faultline na natunton ng Phivolcs sa Metro Manila.
Nagsisimula raw ito sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite. Kaya sakaling tumama ang 7.2 na lindol sa mga lugar na saklaw ng faultline, maraming mamamatay.
Tsk, tsk, tsk.

MUNTI LGU NAG-DONATE NG
P4-M SA QUAKE VICTIMS
NAGBIGAY naman ng P4 milyon ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa para sa mga nasalanta ng serye ng malalakas na lindol sa Mindanao.
Sina City Disaster Risk Reduction Management Officer Erwin Alfonso at Social Services Department chief Analyn Mercado ang nag-abot ng tig-P1-M financial assistance para sa mga LGUs ng Magsaysay, Davao del Sur; Makilala, North Cotabato (NoCot); Tulunan, NoCot; at Kidapawan City, NoCot.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ang inisyatibong ito ay simpleng paraan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa para makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan nito.
Sa totoo lang, nakakadurog ng puso ang kalagayan ng mga Mindanaoans.
Malaking bagay ang mga donasyong nakakarating sa kanila tulad ng ipinaabot ng Munti LGU sa pangunguna ni Mayor Fresnedi.
Sa pagkakataong ito, isantabi muna natin ang pulitika at mahalagang magkaisa ang gobyerno at publiko para ayudahan ang mga biktima ng lindol.
Tandaan na may hatid ding leksiyon ang mga trahedya.
Tayo ay iminumulat para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari. Dapat natin itong isaisip.
Huwag nang hintayin pang may mapahamak sa mga pagyanig na maaaring maganap sa hinaharap.

***

PARA sa inyong mga reaksyon, suhestiyon at reklamo, maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account at FB page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close