Aprub sa 2nd reading... ‘Malasakit Center Act’, namuro na sa Senado

NAG-ADOPT ng ilang amyenda mula sa mga senador, aprub na sa ikalawang pagbasa sa regular session ng Senado ang Senate Bill (SB) No. 1076 o ang “Malasakit Center Act of 2019” na panukala ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kamakalawa.
Kabilang sa mga nagpasok ng amyenda sa nasabing batas sina Senador Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Ralph Recto at maging si Go mismo.
Kabilang sa mahalagang amyenda ni Go sa isinulong niyang batas ay ang pagbabawal sa pasyente na ang kanyang kinatawan ang direktang mag-access o mag-request ng medical at financial sa concerned agencies.
Para naman kay Drilon, nais niyang matiyak sa naturang batas na hindi lamang limitado sa “indigents” o “incapacitated patients” ang pagkaroon ng access sa medical at financial assistance.
Nilinaw naman ni Sen. Go sa mga nauna niyang pahayag na “ang serbisyo mula sa Malasakit Center ay para sa lahat ng Pilipino.”
Sa kanya namang individual amendments, binati ni Sen. Recto si Go sa isinulong nitong nasabing panukala sa pagsasabing ito ay nagpo-promote ng “greater efficiency of availing medical and financial through one-stop shops.”
Sa panukala niyang amyenda, sinabi ni Recto na dapat isama ang Philippine General Hospital (PGH) sa ilalim ng Malasakit Centers na ang pa-ngunahing layon ay itayo sa mga Department of Health (DOH)-run hospitals. Ang PGH ay pinatatakbo ng University of the Philippines – Manila.
Sang-ayon naman dito si Go na nagsabing sa katunayan, ang PGH na “premier national university hospital” ay mayroon na sa kasalukuyang Malasakit Center at nakapagbibigay na ng tulong sa mga pasyente.
Hiniling naman ni Hontiveros na palakasin ang health promotion at education functions ng Malasakit Centers.
Layuning sagipin sa mabigat na gastusin sa pagpapaospital ang mahihirap na pasyenteand, kasama na ang gastusin pati sa transportation, ang SB 1076 ay pakay na magtayo ng mga Malasakit Centers sa lahat ng DOH-run hospitals saan mang lupalop ng bansa.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 49 Malasakit Centers nationwide.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close