ANNE CURTIS nakipag- rambulan sa pelikula kahit buntis

TIYAK na riot ang  pagsasama nina Vice  Ganda at Anne Curtis sa pelikulang “The Mall The Merrier” na entry ng Star Cinema sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Tsika nga ni Direk Barry Gonzales, sobrang bilib siya kay Anne dahil inilihim nito sa kanila ang pagbubuntis nito para lamang maitawid ang mga eksena ng umaatikabong aksyon sa pelikula.

“Wala po siyang sinabi sa amin. Mayroon ho kaming isang eksena na ang ginagawa is puro action, nagliliparan sila, ipinasok po siya ni Ganda (Vice Ganda) sa loob ng basurahan, at pumasok siya sa loob. Hindi namin alam na buntis na siya, hindi niya sinasabi sa amin,” ani Direk Barry.
Paliwanag naman ni Vice, aware raw siya na buntis si Anne noong mga panahong iyon pero never daw nitong inamin ang kanyang maselang kalagayan sa kanila.
“There was one instance na nandu’n ako sa dressing room niya, kumakain ako, tapos, biglang sabi sa kanya on the set (na take na), bigla siyang nagpalit ng damit, naghuhubad siya sa harap ko,” kuwento ni Vice. “Sabi ko, ‘oh my God!’ Nakita ko ‘yung boobs niya, sabi ko, ‘girl, may gatas yata ‘yang dede mo, ba’t ang laki?’ Sabi niya, ‘eh ‘di ba, nakita mo naman sis, kain tayo nang kain kaya tumataba ako.’Ah, okay, naniwala naman ako sa kanya. ‘Yun pala buntis na siya talaga. Mayroon lang siyang sinusunod na timing. Alam na niya kung kailan sila aamin, alam na niya kung paano ipe-present sa tao na buntis siya, planado niya. “Kaya sabi niya, ‘hindi ko aaminin muna sa inyo,’ gusto nila, sabay-sabay nating ma-experience ‘yung pagre-reveal,” dugtong niya. Dahil nga preggy si Anne ay hindi na raw niya ito inoobliga na pumunta sa mga mall tour para i-promote ang kanilang MMFF entry.

“Nagtatanong siya lagi, ‘sis, kailangan mo ba ‘ko diyan?’ Sabi ko, ‘okay lang naman na nandidito ka, siyempre, gusto ng madami, pero parang mas okay na magpahinga ka,’ sabi kong ganu’n,” hirit ni Vice.
Nagmungkahi na rin daw ang mister ni Anne na si Erwan Heussaff na sa social media na lang ito mag-promote at nakinig daw naman ang Viva artist.
“Kasi, first baby, eh. Baby rin naming lahat ‘yun, eh,” ani Vice. Dahil buntis si Anne nang ginagawa nila ang pelikula, naniniwala si Vice na may suwerte itong dala sa magiging performance sa box office ng kanilang pelikula.
Papel ng magkapatid na kontrapelo bilang Moira at Morisette na pag-aagawan ang pagmamay-aring mall ang papel na ginagampanan nina Vice at Anne sa pelikulang “The Mall The Merrier” na kalahok sa ika-45 edisyon ng Metro Manila Film Festival.
Kasama rin sa cast na magpapasaya sa araw ng Pasko sina Dimples Romana, Tony Labrusca, Elisse Joson, Jameson Blake, Lassy Marquez, MC Calaquian, Brenda Mage, Petite, Jin Macapagal, Wacky Kiray, Negi, Chad Kinis, Matmat Centeno, Juliana Segovia, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Greg Hawkins, Carlo Mendoza at Miel Espinosa.
Ang “The Mall The Merrier” ay magbubukas na sa Vice Ganda at Anne Curtis mga sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25, araw ng Pasko.

  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *