‘Angkas’ driver, bebot huli sa shabu sa helmet

NASA 20 sachet ng shabu ang nakuha sa driver ng Angkas at pasahero nito sa Cubao, Quezon City, Linggo ng gabi.
Gayunman, itinanggi ng driver ang akusasyon at sinabing isinabay lang niya ang babae at pagbaba nito, nagulat na lamang siya na puno na ng shabu ang helmet.
Giit naman ng babaeng pasahero, ibinugaw siya ng kanyang kaibigan para kitain ang driver.
Nagtalik umano sila, pero sa halip na pera ang ibayad shabu ang ipinambayad sa kanya.
Magkaiba man ang pag-kakasalaysay nila sa uma-no’y nangyari.
Sa buy-bust na isinagawa, nabilhan ng droga ang babae matapos nitong kumuha ng supply sa lalaki.
Bukod sa helmet, may nakuha ring shabu sa bra ng babae.
Parehong nasa watch list ang mga suspek, ayon kay Police Captain Ramon Aquiatan, hepe ng Cubao Police Station. Ang babae ay una nang sumuko, habang ang lalaki naman ay kalalaya lamang noong 2018.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close