IDINENAY ng  Kapamilya actress na si  Panganiban na nagkakamabutihan na sila ng ex ni Ryza Cenon na si Pocholo Barretto.
Nagkaroon kasi ng espekulasyon na more than friends na ang dalawa dahil na rin sa post sa IG stories ni Angelica tungkol kay Cholo.
Isa sa nakakaintrigang captions na kanyang ibinahagi sa kanyang IG Stories ang “Baby Pudding Now, it’s out @pochollobarretto.”
May isa pang caption na kumuha rin sa atensyon ng netizens na “Magkakagulo ang mundo @pocholobarretto.”
Mukhang “sinagot” naman ni Angelica si Cholo base na rin sa ibinahagi pa niya sa kanyang IG Story. Nakalagay dito, “It’s a Yes Pudding.”
Bukod dito, may kumalat din kasing pic ang dalawa sa social media na makikitang super close habang magkasama sa isang pool nang magbakasyon sila sa Siargao.
May naloka rin sa pagbati ni Angel Locsin kay Cholo na co-star niya sa “The Generals’ Daughter.”
Sabi ni Angel sa in-upload niyang video sa kanyang IG Stories, “Congratulations Cholo, congratulations. I’m so happy for you, I’m so happy for you.”
Sa isang panayam naman, itinanggi ng actress na sila na ni Cholo.
Sey pa niya, wala raw siyang boyfriend sa kasalukuyan at sa iba nakapokus ang kanyang atensyon.
“Kung may dumating, baka sipain ko palayo,” aniya. “Masyado akong masaya sa state ko ngayon, e. Hindi ko afford na masira yung happiness ko, kumbaga, kung nasaan ako ngayon. Pinaghirapan kong ma-achieve yung love na mayroon ako for myself, for my happiness. Bigla na lang may ie-entertain akong ibang tao sa buhay ko?Baka bigla na lang masira lang uli yun,” dugtong niya.
Pagkatapos ng kontrobersya kay Carlo, wish muna niyang magpahinga.
“Kailangan ko siguro maramdaman na talagang okay na ako. Sobra kasing okay na ako, hindi ko kailangan ng ibang tao para magpasaya sa akin, kasi masayang-masaya na ako. “Mayroon akong fear na sisirain lang yung happiness na mayroon ako ngayon pagka nagpasok pa ako ng problema sa buhay ko,” pagtatapos niya.
Si Angelica ay nakatakdang gumawa ng movie kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez para sa Star Cinema.
Ito ay ididirehe ng hugot director na si Mae Cruz-Alviar.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

10 thoughts on “Angelica biglang kabig, dinenay na dyowa na si Cholo”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *