TAX HOLIDAY SA PARAÑAQUE

Hindi lamang mga legit na sugalan meron ngayon sa siyudad ng Angeles sa probinsiya ng Pampanga.
Pati ang mga sugal lupa ay sangkatutak na rin at parang mga kabute na nagsulputan.
Bukod sa mga palarong itinataguyod ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Pagcor, na nasa siyudad ni Mayor Carmelo Lazatin Jr.,naririyan din ang mga peryang may sugal na ginagatasan naman ng mga barangay officials, kapulisan at Action Team ng tanggapan ni Yorme Lazatin.
Bukod pa ito sa talamak na jueteng na hindi matinag-tinag sa nasabing lalawigan.
Ngayon nga ay may bansag ng “GAMBLING CAPITAL ng PINAS ang Angeles City.
Tahanan din ang siyudad ng karamihan sa mga Koreanong naririto sa bansa upang magsugal.
Mga poker dens na talaga namang dinudumog ng mga dayuhang players.
Sa mga sugalang ito ay nakikinabang ang pamahalaang lungsod ng Angeles dahil sa buwis na binabayaran ng mga establisimientong naturan sa gobyerno.
Pero pagdating sa peryang may sugal, tila nadadaya ang gobyerno dahil kakarampot lamang ang binabayarang buwis ng mga perya operators na ito para sa barangay permits na kinukuha ng mga ito sa bawat barangay ng Angeles kung saan ito nakalatag.
Ang malaking tipak ng kinikita ay napupunta sa bulsa ng mga barangay officials at kapulisan sa pamamagitan ng goodwill money at regular na payola.
Isa-isahin po natin ang mga lugar diyan sa Angeles na kinaroroonan ng talamak na sugalan gaya ng sa Barangay Pulong Bulo na ino-operate ng isang ulol na si alyas RADING,
Barangay Salampungan na sina alyas Balingit at alyas Mane naman ang operators; sa Barangay Pandan ay sina alyas Larry at Ricky naman ang mga operators.
Meron din po sa Friendship kung saan isang alyas Baby Negra naman ang pasimuno.
Meron din sa Barangay Sapang Libutad na ang operator ay ang hindoropot na si alyas Roland samantalang si alyas Rosebie naman ang sa Barangay Pampang.
Lahat po ng sugalang ito ay pawang may mga daya.
Iginigisa sa sariling mantika ang mga taga-Angeles sa tuwing sila ay nagsusugal sa mga drop balls at color games na nakalagay sa mga peryang may sugal na ito.
Namumuraot naman ang masisibang pulis ni PNP Region 3 Director, General Joel “Jigs’ Coronel sa pangungulekta umano ng lingguhang payola.
Hindi lamang po sa Angeles City namamayagpag ang mga peryang may sugal na ito kundi sa buong lalawigan ng mag-inang Governor Dennis Pineda at Vice Governor Nanay Baby Pineda.
Isang gagong retiradong kapitan na may alyas BABY Marcelo ang tumatayo namang pangkalahatang kolektor umano ng PNP Camp Crame sa buong Pampanga.
Kasama umano sa mga ikinokolektang payola nitong kupal na si alyas MARCELO ay ang mismong tanggapan ni Chief PNP Oscar Albayalde at ang PNP CIDG ni Major General Amador Corpuz na sinasabing “bagyo at super lakas kay Senator-elect Bong Go.
Kaya naman pala mistulang basang-sisiw itong commander ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng maghe-heneral ng si Colonel Romeo Caramat.
May nabalitaan ba tayong hinuling ‘bagman’ ng IMEG?
Tila may instructions dito kay Caramat ang kung sino mang mga Pocio Pilato diyan sa PNP na wag manghuli ng mga officially designated bagmen ng kapulisan gaya nitong kupaling si MARCELO.
Lahat ng huli ng IMEG ay masasabing mga dagang dingding o kung ikukumpara sa isda ay mga gurami at dilis lamang.
Bakit pa kaya binigyan pa ng bagong pangalan ang IMEG mula sa dating Counter-Intelligence Task Force (CITF) gayong sadyang rubber stamp lamang ito ng PNP at talagang walang kamandag at asim.
Sayang ang pondo ng nasabing unit na gamit lamang sa artificial na pagpapabango at pagbabangong-puri sa nanglilimahid na imahe ng PNP.
Style n’yo General Albayalde, sobrang bulok!
May kasunod…
Abangan!
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “ANGELES CITY GAMBLING CAPITAL NA NGA BA NG PINAS”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *