KILALA si Angel Locsin na pagdating sa ganitong kalamidad ay nagkukusang umayuda o tumulong agad.
Pero tumutulong na nga raw eh may nasasabi pa ang iba
Kinairita ng aktres na kinukumpara ang pagtulong ng mga artista sa pulitiko.
Dagdag komento ng basher eh bakit daw kailangan pang humingi ng tulong ng grupo ni Angel sa mga local government at tila hindi ito nagustuhan ng fiance ni Neil Arce.
Sa tweet ng aktres, “In times like these, let’s stop comparing help from regular citizens and government.
“To be honest, based on my experience, it would be VERY hard to help without assistance of government.
“So Thank you to our local officials assisting us and risking their lives as well.”
At ‘di rin pinalagpas ni Angel ang isang basher na kumukuwestyon sa pamamaraan ng kanyang pagtulong.
“Sige try mong umikot ngayon at maghatid ng tulong mag-isa. Good luck,” sey pa ng aktres.

***

Kris Aquino nagbigay tulong sa mga nawalan ng work sa Puerto Galera
NAGANDAHAN sa ganda ng paligid ng Puerto Galera si Kris Aquino kaya doon na naabutan ng enhanced community quarantine kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Yes, nasa resort nga ni Willie Revillame ang mag-iina at inamin na binabalik- balikan nito ang nasabing lugar.
Dahil nga lockdown at walang mga pasok at work eh alam
ni Kris ang feeling kung paano at san kukuha ng pambili ng food ang ilang residente roon.
Sa IG nga nito eh nagbigay din ng tulong si Kris sa mga trike driver na ‘di na muna bumibiyahe ng 1 month.
Nagbigay rin ito ng ilang sako ng bigas sa mga trike driver sa local govt. ng Puerto Galera na huminto sa pamamasada dahil sa ipinatutupad na quarantine ng gobyerno.
Maliit lang daw ito at dapat daw eh 100 sacks of rice pero limitado lang daw ang laman ng kanyang atm at sarado naman umano ang mga bangko sa nasabing lugar.
Kaya nanawagan si Kris na ito nga raw ang tamang panahon para tumulong.
Sa kabila nun eh pinasalamatan pa din si Kris sa effort nito sa pagtulong.

***

Celebrity doctors Red and Sunny, nakaisip na ng gamot para sa Covid-19
SA kasalukuyan ,habang nagse-self quarantine ang dalawang celebrity doctors na sina Red at Sunny eh patuloy sila sa pagtuklas ng gamot para sa lumaganap na Covid-19.
Bukod sa injectable gluthatione na pampaputi ng mga celebrities eh humahanap na ang 2 doctor ng mabisang gamot sa nasabing virus.
Grabe na nga raw ang pinsala nito sa economy at health ng tao worldwide.
Kaya sanib-puwersa sina Dok Red at Sunny ng Alpha Vita Clinic sa pagtuklas ng gamot.
Well, well, well… ‘Yun na!

  • 11
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    11
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *