NAGREAK sina Angel Locsin,  Coco Martin at Regine Velasquez-Alcasid sa isyu ng napipintong pagsasara ng ABS-CBN.
Ito ay pagkatapos na maghain ng kaso ang Solicitor General na si Jose Calida para huwag ma-renew ang prangkisa ng pinakamalaking media network sa bansa.
Idinepensa rin nila na walang nilalabag na batas ang giant media outfit tulad ng inaakusa rito.
Worry rin nila ang napakaraming Pinoy na mawawalan ng trabaho sakaling matutuloy ang pagsasara nito.
“Praying that the law shall be used to protect jobs, press freedom, justice and betterment of the Filipino people,” ani Angel.
Sey naman ni FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin: “Mahabang taon na napatunayan ng ABS CBN na kahit ano man ang dumating na pagsubok sa ating bansa lagi sila nandyan para tumulong sa ating bayan!!!”
Hirit naman ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid: “Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibig sabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love Thy Woman at iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat.”
Hanggang ngayon, nakabitin pa sa Kongreso kung muling mag-o-operate ang ABS-CBN sa susunod na dalawampu’t limang taon.
Ang prangkisa ng naturang network ay nakatakdang mag-expire sa Marso 31, 2020.

***

Abbamania, umarangkada na
Tagumpay ang Abbamania The Concert Tour na idinaos sa New Frontier Theater noong Pebrero 11.
Nag-travel down memory lane ang fans ng nasabing Swedish pop group na ipinanganak noong 1972.
Ang Abba ang nagpasikat ng mga hindi malilimutang classics tulad ng Mamma Mia, Here We Go Again, Dancing Queen, Chiquitita, Fernando, The Winner Takes It All, Thank You for the Music at marami pang iba.
Sa mga hindi pa nakapanunood ng kanilang once-in-a-lifetime show, meron din silang concert sa The Tent, Solaire Resort Manila, ngayon, Pebrero 14, Valentine’s Day, at Lausgroup Event Center, San Fernando, Pampanga sa Pebrero 15.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *