All-male Pinoy group SB19, ‘di inasahan ang mabilis na pagsikat

OVERWHELMED  ang grupong SB19  sa patuloy na pag-angat ng kanilang popularity sa music industry these days. Barely a year from their simple launch last October 2019, there is no stopping now from hitting the golden pot for this K-Pop inspired all-Pinoy male group.

But of course, hindi rin naman madali for Sejun, Josh, Justin, Ken and Stell. Ang tinatamasa nila ngayon ay bunga rin ng hardwork, patience, at determination plus the full support of their management, ShowBT Entertainment.
Kuwento ng grupo sa launch ng kanilang latest single na ‘Alab’ recently, hindi nila expected ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanila ngayon.
In fact, the Youtube video of ‘Alab’ hit the half million views agad in less than 24 hours, and still counting as of this writing.
Ang nakatutuwa sa SB19, they are still grounded despite of their popularity. Hindi pa rin daw nagsi-sink in nang husto sa kanila ang kasikatan. Kahit na nga lahat ng shows nila ay dinudumog ng kanilang fans. Even their posts and videos on social media ay nagiging viral.
‘Alab’ is a quirky pop ditty that is steadily gaining popularity. The music video can rival any K-Pop music videos.
The colors on the video reflect SB19’s members individuality, kuwento mismo ng grupo.
Kung hindi nga magsasalita ng Tagalog sina Sejun, Josh, Justin, Ken at Stell, they can be mistaken for Koreans. Incorporating the K-Pop feel to their Filipino culture is quite a feat.
And SB19 only showed more than the looks and packaging it’s their talents that will outshine both.

***

ACTING is his passion. Matagal na naming kaibigan ang indie actor na si Bibo Bayona. Kaya naman we know kung gaano siya ka-passionate sa kanyang craft.
Naikuwento niya nga minsan na may isa siyang project na ginawa siyang rock climber, and he was not even insured to do such stunt. But for the love of acting and a bit of adventure, he did it.
Kaya naman we are really happy for his break sa latest film na topbilled nina Daniel Padilla at Charo Santos-Concio, ang ‘Whether The Weather is Fine’, directed by Carlo Manatad. Produced by Quantum Films and Star Cinema.
“Small role naman. Pero still, first mainstream ko ‘to. I play the role of a young soldier,” masayang kuwento pa ni Bibo.
Kung wala sa harap ng camera, Bibo is a licensed financial analyst for Prulife. And still very much single.

  • 60
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    60
    Shares

One thought on “All-male Pinoy group SB19, ‘di inasahan ang mabilis na pagsikat”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *