ALEX GONZAGA atat na magkaanak kaya pakasal na sa bf

NAGLABAS na ng  lineup ang  Kapamilya network ng mga programang mapapanood ngayong 2020.
Sa kanilang teaser, bongga ang lineup ng mga television show at pelikulang ginagawa nila at nakatakda pang gawin.
Kasama sa lineup ang Soulmate project nina James Reid at ng Momoland member na si Nancy McDonie na ididirek ni Antoinette Jadaone.
Bagama’t napabalita noon na hindi na ito matutuloy dahil inayawan daw ng Fil-Aussie actor at dating PBB Teen clash winner, wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ng other half ng JaDine.
Dahil dito, waring pinasisinungalingan nito na shelved na ang proyekto.
Marami rin ang na-excite dahil kakaibang kumbinasyon daw ang pagsasama nina James at Nancy.

***

ENGAGED na si Alex Gonzaga sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.
Masaya niya itong ibinalita sa IG stories sa kanyang socmed account.
Marami namang natuwa para sa vlogger-actress kasama na ang close friend nitong si Luis Manzano dahil natagpuan na ng “I Can See Your Voice” judge ang kanyang future husband.
Pabor naman ang karamihan na lumagay na sa tahimik ang kapatid ni Toni Gonzaga dahil bukod sa financially stable na ito, nasa tamang edad na rin naman ito to settle down.
Isa pa, aminado naman si Alex na naiinggit siya sa kapatid na si Toni dahil may cute na anak na ito sa katauhan ni Seve kaya feel din niya na magkaroon ng sariling baby na maaalagaan.
Speaking of Alex, buhay na buhay na raw ito kahit hindi mag-artista dahil sa laki ng kinikita niya bilang celebrity blogger na may more than a million subscribers sa kanyang Youtube channel.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *