Wala lang sa Malakanyang ang naging rebelasyon ni dating Philippine National Police (PNP) Regional Dir. Rudy Lacadin sa Senate inquiry na nagbunyag sa noo’y Pampanga Police Dir. Oscar Albayalde na kaunti lang naman ang nakuha o natanggap niya mula sa drug raid kung saan daang kilong shabu ang umano’y ni-recycle.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, itinanggi na rin ni Albayalde ang nasabing alegasyon ni Lacadin.
Pahayag ni Panelo, wala silang pinapanigan kina Panelo at Lacadin kaya wala muna silang panghuhusga o interpretasyon sa development sa Senate inquiry kahapon.
Nananatili aniya ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin muna ang imbestigasyon ng Senado bago gumawa ng aksyon.
Wala rin daw pasabi o utos si Pangulong Duterte kay Albayalde na magbitiw na ito sa pagka-PNP chief.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *