NAIBALITA sa amin ng award-winning actress na si Aiko Melendez na papasukin na rin nila ng bf niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang pagpoprodyus ng pelikula.
Nang nakahuntahan namin si Ms. Aiko via Facebook, nabanggit niya ang plano nilang sumabak na rin sa paggawa ng pelikula na isa siya sa magiging pangunahing bituin.
Marami ang naaaliw sa kanyang pagti-TikTok, pero bukod dito, ano ang pinagkakaabalahan niya sa bahay ngayon mula nang nagkaroon ng community quarantine sa buong Metro Manila na eventually ay naging enhanced community quarantine sa buong Luzon bunsod ng deadly corona virus?
Esplika ng aktres, “Aside from Tiktok, Netflix tapos phone calls po sa mga need ayusin sa production po, kasi magpo-produce po kmi ni VG Jay ng movie po. Ito ay under JA28 Productions po.”
Aniya pa, “Iyong title, iniba namin po, eh. Iisip pa kami ng bago pong title. Ang bida rito ay ako, Gelli (de Belen), Carmina (Villarroel) and kinukuha namin si Ruffa (Gutierrez) po kung hindi mahal ang TF niya, hahahaha!
“Bale, ito ay isang romcom at si Aya Topacio ang director po namin dito.”
As we are assured by the President that there will be no shortage on food, whats just enough for the family is what we have,” sambit pa ni Aiko.

  • 32
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    32
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *