Agot Isidro inupakan si Sen. Bato

BINATIKOS ng aktres na si Agot Isidro si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos payuhan si Vice President Leni Robredo sa mga dapat gawin nito bilang drug czar.
Sa Tweet, nagpaalala ang aktres kay Dela Rosa na mas mataas parin ang posisyon ni Robredo sa kanya.
Iginiit pa ni Agot na nararapat lang anya na igalang ang Bise Presidente at magkaroon ang Senador ng respeto sa pananalita.
Matatandaang sinabi ni Dela Rosa kay Robredo na huwag nang maghanap ng iba pa at gamitin kung ano lamang resources ang mayroon para sa pagiging Drug Czar.
Sinabihan pa ni Dela Rosa si Robredo na “pa-cute” at hinamon na sumama sa mga anti-drugs operation.
Una nang sinabi ni Robredo noong weekend na hindi sapat ang P15 milyon pondo ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Tinanggap din ni Robredo ang hamon ni Bato na sasama sa mga operasyon kung kinakailangan.
Pumayag din si Robredo na humarap sa Kamara na nagsabing ipatatawag ang bise presidente para malaman kung ano-ano ang mga ilalatag nitong programa sa ICAD.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close