AFP nanindigan na “no ceasefire’ sa NPA ngayong Pasko

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila magdedeklara ng isang “ceasefire” sa NPA ngayong kapaskuhan.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen Edgard Arevalo, hindi nila irerekumenda sa Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng pansamantalang tigil putukan dahil napatunayan na sa nakaraan na ginagamit lang ng mga komunista ang pagkakataon para makapagpalakas ng pwersa.
Giit ni Arevalo, tuwing may tigil putukan, nagre-recruit at nag-iimbak ng armas ang mga kalaban.
Nilinaw naman ni Arevalo na pabor ang AFP sa pangmatagalang kapayapaan at hindi lang ang pansamantalang katahimikan ng isang ceasefire.
Kaya supportado aniya ng militar ang anumang maging pasya ng Pangulo sa posibleng muling pagsasagawa ng “peace talks” sa mga komunista.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *