MASUSING nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pagpaslang sa isang abogado nitong Martes sa Guihulngan City, Negros Oriental.
Ang biktima ay nakilalang si Atty. Anthony Hernandez Tri-nidad, 53, at mayroong law office sa San Carlos City, Negros Occidental.
Ang kanyang maybahay na si Novie Marie Trinidad, 53, ay nagtamo ng grabeng injuries at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.
Ayon kay Police executive Master Sgt. Jerome Delara ng Negros Occidental Provincial PNP, ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan, puting Subaru SUV, pauwi ga-ling sa bayan ng La Libertad sa Negros Oriental nang dikitan ng riding in tandem at pagbabarilin.
Nawalan ng kontrol si Tri-nidad at bumangga ang kanyang sasakyan sa isang pedicab bago sumalpok sa konkretong poste na naging sanhi ng injuries ng pedicab driver na si Guillermo Magdasal, 52.
Kaagad dinala ang mga biktima sa Guihulngan Hospital, ngunit dineklarang dead on arrival si Atty. Trinidad, habang ang kanyang misis ay inilipat sa Dumaguete Medical Center.
Ang abogado ay nagtamo ng grabeng tama sa kanyang leeg at ulo.
Ayon kay Tecson, dalawang anggulo ang kanilang tinitingnan sa pagpaslang sa abogado. Isa ay ang pagiging abogado nito at ang isa ay personal na kaaway.
Ang abogado ay may hinahawakang sensitive drug-related cases.
Nakarekober ang pulisya ng 7 basyo ng bala ng kalibre .45 at 2 slugs ng .45 sa site ng krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *