9 patay, 8 sugatan sa pagsalpok ng bus sa van at tricycle sa Camsur

SIYAM katao ang nasawi at walo ang sugatan nang salpukin ng pampasaherong bus ang isang van at tricycle sa Pamplona, Camarines Sur.
Nakilala ang isa sa nga nasawi na si Armani Calpe, 63-anyos, driver ng van, ng Magang, Daet, Camarines Norte, habang ina-alam pa ang mga pagkakakilalan ng 8 nasawi na kinabibilangan ng 3 lalaki at 5 babae na sakay ng van.
Samantala, ang mga sugatan na dinala sa pagamutan ng Bicol Medical Center at Mother Seton Hospital sa Naga City ay sina Lusyl Golgota, 38, ng Ilaor Sur Oas, Albay; Lorena Sarmiento, 30, ng Purok 1 Bgy. Cal Norte, Vinzonz, Camarines Norte; Marilyn Jubilo, 57, ng Purok 1 Ilaor Sur Oas; Dalhia Doctor, 36, ng San Roque, Mercedez, Camarines Norte; Ariel Vidal, 44, ng Bgy. Borong Borongan, Milaor, Camarines Sur; Ralph Tibar, 23, ng Sta. Terisita, Baao, Camarines Sur, pawang sakay ng van; Josephine Necerio,17, ng Z-1 Tambo, Pamplona, Camarines Sur; Gina Necerio , 37, ng Z-1 Tambo, Pamplona; at 9) Marilou Alog, 40, ng Z-2 San Ramon, Pamplona, pawang sakay ng tricycle
Samantala, naaresto naman ng mga otoridad ang driver ng JRV Bus ( EVP-129) na si Leonardo B Camu, 52, ng San Isidro, Iraya, Malilipot, Albay.
Ayon Maj. Ma. Luisa Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office-5, 8:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Zone 4, Bgy. San Vicente, Pamplona.
Nabatid na galing ng Bicol ang bus patungo sa Manila nang tangkain nito mag-over take sa isang tricycle ngumit nasagi ang tagiliran nito dahilan upang bumaliktad ito na nagresulta ng pagkasugat ng 3 pasahero.
Napunta naman ang bus sa kabilang linya ng kalsada nakasalubong nito ang van na minamaneho ni Calpe.
Sa lakas ng pagkakasalpok, nagresulta ng halos pagkawasak ng van, nagresulta ng pagkasawi noon din ni Calpe at pitong pasahero at pagkakasugat ng 4.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close