onlineArestado ang siyam na online seller na idinadawit umano sa pagbebenta ng overpriced na alcohol sa Alaminos, Pampanga at Tarlac.
Nag-ugat ang entrapment sa mga reklamo laban sa overpriced na alcohol na natanggap ng mga awtoridad.
Nahuli ang tatlong suspek sa Pangasinan sa bisa ng entrapment operation kung saan nagpanggap na buyer ang ilang taga-National Bureau of Investigation – Dagupan,
Aabot sa P16,000 ang halaga ng 2 kahon ng ibinebentang alcohol ng suspek.
Samantala, sa hudyat ng police poseur buyer, huli ang lalaking dala ang 17 litro ng alcohol sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Camachiles, Mabalacat City, Pampanga nitong Lunes ng tanghali.
Naka-order ang mga operatiba sa social media account ng nahuli na nagbebenta ng alcohol ng tig P300 kada litro, doble sa itinakdang P122-148.50 na bentahan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, provincial director ng Pampanga Police, naka-post sa Facebook na nag-aalok ang suspek ng alcohol at kinilala ang nahuli na si Jerico Torres, 20 anyos, kasama ang 15 anyos na kasabwat nito na siyang nagmamaneho sa sinakyang motorsiklo.
Sa pinagsamang puwersa naman ng DTI at ng National Bureau of Investigaton Central Luzon Regional Office, huli sa entrapment operation sa Angeles City si alyas Emma na sangkot din sa online selling ng overpriced alcohol.
Nakipag-meet up si alyas Emma sa poseur buyer sa Barangay Salapungan, Angeles City, Pampanga, bitbit ang 43 litro ng alcohol sa halagang P10,000.
Tig-280 pesos ang benta niya kada litro at sa pagkahuli niya, huli rin ang 2 pa nitong kasabwat sa kanyang sasakyan.
Narekober din ang karagdagang 35 litro ng alcohol.
Sa follow-up operation naman, arestado ang sinasabing supplier ni alyas Emma na si alyas Arnee na taga-Bamban, Tarlac.
Nakuha sa kanya ang 40 galon ng alcohol na ibinebenta naman niya ng tig P750, halos doble rin sa itinakdang SRP ng DTI.
Ayon sa Department of Trade and Industry, P41.75 kada 250 ml ang suggested retail price ng alcohol pero naibebenta umano ito ng online sellers sa P130 kada piraso.
Nahaharap sa paglabag ng Republic Act 7581 o Price Act ang mga suspek.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *