PATAY ang walo katao at 8 ang sugatan nang bumaligtad ang kanilang sinasakyang truck sa Pitogo, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rey Alfornon, 24; Orlando Sabejon, 44; Noel Cabellon, 19; Berlindo Labador, 34; Edwin Delos Santos, 70; Marvin Hemang, 30; Loui Jay Omandam, 34; at isang 15-anyos na lalaki.
Samantala, ang mga sugatan ay dinala sa pagamutan sa Margosa-tubig, Zamboanga del Sur.
Ayon sa ulat, 2:15 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Bgy. Liguac, Pitogo.
Sakay ang mga biktima sa isang Elf Truck na may plakang GEM 839 na may kargang troso na minamaho ni Leolito Tam, 28, nang biglang mawalan ito ng preno, dahilan upang bumaliktad ang sasak-yan na ikinasawi ng 8 pasahero.
Sumuko sa mga otoridad si Tam na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Multiple Homicide and Multiple Physical Injuries. (Mark Obleada)

Mataas na lider ng CPP-NPA, timbog

NAARESTO ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) nang salakayin ng mga otoridad ang “safe house” nito sa Lala, Lanao del Sur.
Nakilala ang nadakip na rebelde na si Teresita Lapuz Naul alyas Tessie/Bessy, secretary ng Regional White Area Committee (RWAC), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).
Inaresto ito sa bisa ng “warrants of arrest” sa kasong Destructive Arson, Kidnapping and Serious Illegal Detention, at Kidnapping and Serious Illegal Detention na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur.
Tinangkang tumakas ni Naul nang mamataan ang papalapit na mga operatiba na nagtago sa isang palayaan ‘di kalayuan sa bahay ng kanyang kapatid. (Mark Obleada)

Aso, nanganak ng 3 kuting

USAP-USAPAN parin ang panganganak umano ng aso ng tatlong kuting sa Sitio 4, Barangay 55-C Vira, Laoag City.
Ayon kay Ms. Perpetua Pascual, may-ari ng nasabing aso na pinangalanan niyang “Beauty”, nagulat siya nang makita na walang ipinagkaiba sa pusa ang ipinanganak ng kanyang alaga.
Kuwento ni Pascual, noong buntis pa lamang ang kanyang aso, naoobserbahan niya na tila palaging galit ito sa mga pusa.
Dagdag ni Pascual na may ilan ding nagsasabi na baka may nanganak na pusa at kinuha lamang nila, pero tiniyak nito na ang mga ito ay ipinanganak talaga ng kanyang alagang aso.
Samantala, hindi rin maipaliwanag ng isang veterinarian kung paano nanganak ng kuting ang isang aso.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “8 patay, 8 sugatan sa bumaligtad na truck”

  1. A formidable share, I simply given this onto a colleague who was doing a little bit analysis on this. And he the truth is bought me breakfast because I discovered it for him.. smile. So let me reword that: Thnx for the treat! However yeah Thnkx for spending the time to debate this, I really feel strongly about it and love studying more on this topic. If attainable, as you become expertise, would you thoughts updating your blog with extra particulars? It is extremely useful for me. Big thumb up for this blog put up!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *