Patay ang isang babaeng estudyante at pito pa ang sugatan matapos araruhin ang mga ito ng isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Sanhi ng matinding pinsala sakatawan, nasawi si Jules Villapando, 13-anyos, estud-yante ng Gen. Pio del Pilar National High School.
Kinilala ang mga sugatan na sina Oscar Wendell Ponce, 17; Phoebe Marie Pestano; Andrei Dela Cruz, kapwa 15-anyos; Serjen Arucan; Alvin Regala-rio, parehong 14-anyos; Dexter Aquino at Donita De Chavez, kapwa 13-anyos, ang mga ito pawang estudyante ng nabanggit na paaralan.
Samantala, nasa custody naman ng pulisya ang suspek na si Crisalde Jaictim Tamparo, 31, driver ng pampasaherong jeep na may plakang PYV-848.
Sa ulat, naganap ang insidente 7:20 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng J.P. Rizal Avenue at Mabini Sts., Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.
Base sa kuha ng CCTV camera, nakitang naglalakad ang mga biktima sa tabi nang kalsada nang salpukin ito ng jeep.
Kung saan nawalan aniya ng preno ang jeep na minamaneho ni Tamparo.
Sa lakas nang pagkakabangga tumilapon ang mga biktima.
Dahilan upang isugod ang mga ito sa nabanggit na mga ospital, ngunit nasawi si Villapando.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing aksidente.
Posible namang maharap ang driver sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Multiple Injuries.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *