Mga pulis na may kinakaharap na kaso ‘di pa pwede makuha ang year end bonus

Nasa 61 mga pulis ang itinuturing na mga person under investigation (PUIs) habang 709 pulis naman ang Person Under Monitoring (PUMs) na posibleng nagtataglay ng coronavirus disease-19 ang naitala ng Philippine National Police Health Service.
Ayon kay BGen Bernard Banac, PNP spokesman, ginahawa na umano ng pamuan ng PNP ang lahat ng mga pamamaraan upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang lahat ng mga pulis partikular na ang kanilang mga frontliner.
Aniya, mahigpit naman ipinapatupad ang health protocol upang maiwasan ng pagkalat ng COVID-19 sa hanay ng PNP.
Nauna dito, kinumpirma ng PNP na 2 aktibong pulis ang nagpositibo sa COVID-19 base sa ipinalabas na resulta ng pagsusuri ng RITM.
Ang dalawang pulis isang 33-anyos, nakatalaga sa Metro Manila na naka home quarantine mula Mar. 14, habang ang isa naman 52-anyos, at nakatalaga sa Laguna.
Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matukoy ang kanilang mga nakasalamuhan mga individual.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *