6 SUNDALO, 1 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA SAMAR

PATAY ang anin na sundalo at isang miyembro ng New People’s Army, habang 20 pang sundalo ang sugatan sa matinding bakbakan sa pagitan ng militar at rebelde sa Borongan, Eastern Samar.
Nakilala ang mga nasawing sundalo na sina Sgt Rex C Jadulco, Cpl Ronaldo O Go, Cpl Limar L Banug, PFC Kent Loyd M Agullo, Pvt Charlie P Del Rosario, at Pfc Junmar D Buranday, habang inaalaman pa ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde.
Samantala, ang mga sugatang sundalo ay nakilalang sina Sgt Kenneth John T Arcina, Sgt Cyril C Baja, Sgt Rando T Soria, Pfc Albert C Abegonia, Pfc Denmark C Gonsaza, Pfc Dandreb T Gealon, Pfc Riel B Bilason, Pfc Gilbert R Renegado, Pfc Rex A Batis Jr, Pfc Jerwin C Omrob, Pvt Darwin D Aborquez, Pvt Joshua M Pacuan, Pvt Roger Moore C Ditche, Sgt Marlon L Orsal, Cpl Dominador D Antonio Jr., Cpl Aljon P Aguillos, Cpl Linlito C Donayre, Pfc Mark Geric M De Leon, Pfc Rene L Abuda, Pvt Jayson O Beros na dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.
Ayon kay Capt. Reynaldo Aragones, spokesman ng 8th Infantry Division, dakong 5:00 ng hapon nang makaengkwentro ng mga elemento ng 14th Infantry Battalion ang may 50 rebelde sa Sitio Bangon, Bgy. Pinanag-an, Borongan.
Nagsagawa ng operasyon ang militar matapos makatangap ng mga report na may mga rebelde na nag-iikot at nanghihingi ng pagkain sa bulunduking bahagi ng nasabing barangay.
Habang nagpapatrulya ang mga sundalo, nasabat ang mga rebelde at nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng halos 30 minuto.
Sa kasagsagan ng bakbakan, nagpasabog ng 6 improvised explosive device (IED) ang mga rebelde na inilagay sa mga daan na nagresulta ng pagkasawi ng 6 sundalo at pagkakasugat ng 20 iba pa, bago tuluyan tumakas sa iba’t ibang direksyon.
Sa pagtugis ng mga sundalo, nakita ang isa sa mga bangkay ng isang rebelde na iniwan ng mga kasamahang tumatakas. Pinaniniwalaan ng militar na marami sa mga rebelde ang su-gatan dahil sa mga patak ng dugo sa dinaanan ng mga ito.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close