Sa kabila ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine at mahigpit na kampanya laban sa illegal gambling, anim na katao ang arestado matapos na maaktuhang ng mga awtoridad habang naglalaro ng tong-its sa Brgy. Nangalisan, Sta. Lucia, Ilocos Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Agrifina Rabara y Cortez, 62, may asawa; Joan Fabro y Palacol, 35, walang asawa; Jenifer Fabro y Surdevilla, 31, may asawa; Remelyn Fabro y Castro, 29, may asawa; Larry Cuevas y Masculino, 40, may asawa;  at Alejandria Fabro y Palacol, 78, isang biyuda, pawang residente ng naturang barangay.
Nabatid na isang tawag ang natanggap ng Sta. Lucia Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen tungkol sa umano’y grupo ng nagsusugal sa loob ng bakuran ng suspek na si Alejandria Fabro kaya agad na rumesponde ang mga awtoridad.
Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang dalawang set ng baraha at bet money na P128.
Nasa kustodya ngayon ang mga suspek ng Sta. Lucia Municipal Police Station.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *